kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, November 15, 2013

Little Things, Big Things



I just read the news about a Japanese boy who donated his piggy bank for the victims of typhoon Yolanda. Sobrang nakakaproud lang siguro sa part ng mga magulang ng batang ito.

Isang scenario ang biglang nabuo sa isipan ko. Ano kaya kung apo ni *** (insert name of corrupt politician) ang nagdonate ng piggy bank niya sa mga nasalanta ng bagyo. Magiging proud din kaya sila para sa apo nila? O baka finally ay tablan na sila ng kahihiyan sa buhay. Biruin mo yun, kakapiranggot na salapi kung iisipin pero sapat na para ipamukha sa kanila ang isang bagay na patuloy na umuukit sa pagiging magnanakaw nila.

Wag mong idonate yan bata. Nakaw yan. Tanong mo pa sa lolo mong pogi.

Monday, April 1, 2013

Her Mickey Mouse

Had a dream last night. Bumalik ka raw from Disneyland. At kasama mo si Mickey Mouse. Sobrang saya mo raw. Kasi nga kasama mo si Mickey Mouse. 

Sabi ko pa nga daw sa sarili ko, "Parang tanga 'tong si ________. Si Mickey Mouse lang tuwang-tuwa na. Eh mascot lang naman yan. Nagtataka tuloy ako kung paano ko nagustuhan yan." 

Nilapitan mo daw ako. At napansin kong lalo kang gumanda. Kumikislap pa rin ang iyong mga mata. At mas matamis ngayon ang iyong mga ngiti. 

Saka ko nasabi sa sarili ko, "Ah, oo nga pala. Kasi nga pala maganda ka." 

Tapos nun ay ipinakilala mo sa akin ang kasama mo. 

"Jas, kamusta na? Oo nga pala, si Mickey Mouse, boyfriend ko." 

Nagulat ako. Pucha. Pati si Mickey Mouse pinatulan mo. Sinayang mo ganda mo. May saltik ka pa rin talaga sa ulo. 

Pero hindi pala ganun. Kasi naman itong si Mickey Mouse biglang tinanggal ang suot na mascot. 

At tumambad lang naman sa akin ang isang lalaking gago. Ay, gwapo pala. 

Natigilan ako. Saka ko napagtanto. Oo nga pala, ako na rin nagsabi, mascot nga lang pala. 

Hindi nasayang ang iyon ganda. Bagay na bagay kayong dalawa. Himalang nawala na ang saltik mo sa ulo. Di tulad noon kaya nga pinatulan mo ako. 

Ngumiti lang ako. Saka ko sinabing masaya ako para sa inyo. Kahit di naman totoo. Tulad ng panaginip kong ito...

Sunday, October 28, 2012

The Painful Breakup





If we talk about moving on, I can smile.

Two years ago. She was crying. Not because she was hurt. But because she was happy for me. She was setting me free that time. And I didn't want to. And she didn't want either. Then why was she happy for me?

Four years ago. She was laughing. Not because she was happy. But because she was hurt by a guy. The guy set her free. And she didn't want to. And he didn't want either. So she was really crying.

Three years ago. We were happy. We were laughing together. Sometimes we were crying together. But we were happy.

Two years ago. I was happy. I thought I found the girl. Just as what I thought.

Two years ago. She was crying. But she was smiling. She was saying goodbye. She said she was happy for me. Because I found the girl.

Three years ago. We were happy. We were laughing and crying. But we were not together.

A few years ago. I thought I wouldn't be able to move on. We were not together. But we had to set each other free. It was a painful breakup. Because we were not together.

Just this year. We are happy. We have our separate lives. But we are happy for each other. That's why if we talk about moving on, I can smile.

Tuesday, September 4, 2012

Regal World


Bilog nga ang mundo..

Kasi paikot-ikot lang tayo..


Paulit-ulit..


Paulit-ulit..


Paulit-ulit..


Paulit-ulit..


Paulit-ulit..


At paulit-ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit, ulit... (repeat til you've gone enough)


Pero andito pa rin tayo..


Tapos na ang lahat..


Pero parang meron pa..


Kasi nga bilog ang mundo..


At sadyang maliit ito..


Para sa akin..


At para sa'yo..


Balot ng ulap..


Na mula sa itaas ay sadyang malabo..


At sumapit man ang dapit-hapon..


May mga bituin pa ding sisilay..


Tulad ng dating magagandang pangarap..


Na kaagad ding lumilipas sa pagsikat ng liwanag..


At unti-unting nalilimot sa ganda ng umaga..


At magbabalik lang sa pagtatapos ng araw..


Bakit nga ba ganito??


Sadya bang itinakda tayo??


Pero paulit-ulit ding pumapatak ang ulan mula sa ating mga mata..


Sa kabila ng mga ngiting kaysarap ipinta..


Bakit natatapos din ang saya??


Kahit pa kasama kita..


At bakit di ko kayang mawala ka??


Marahil kasi nga'y


Ikaw ang aking mundo...

Saturday, March 17, 2012

just finman sentiments...







wow!


at umabot tayo ng halos apat na taon.











mula sa tawanan,








asaran,







kaingayan,






kalokohan,


 
 


kopyahan,








damayan at pagtutulungan,








samaan ng loob,






hanggang sa mga pagsubok at problema







at maging sa mga palpak na usapan...







umabot tayo ng apat na taon...







at ngayon,


bilang na lang ang panahon.









haharap sa panibagong buhay,





panibagong pagsubok,







panibagong mga pangarap,






at panibagong mga alaala...







na hindi na natin kasama ang isa't isa...


:(






ngunit magkaganun man,






habang-buhay kayong mabubuhay sa aking pagkatao.






patuloy akong magiging kaibigan





malapit o malayo man.







sisilay pa rin ang ngiti sa aking mga labi

habang kayo'y inaalala.







at mamumuno pa rin sa aking puso at isip


ang isang tatak "agraraman".





sa aking mga kaklase /slash/ kaibigan...


SALAMAT SA LAHAT.






:)







Sunday, December 4, 2011

Blank Momentum


It's really staring at nothing... You just have to pretend that everything is fine. You have to look as if it does not bother you. And sometimes, you seem to listen when you really don't. It's just convincing yourself that this will soon end. And the time is worthy enough to consume for waiting.

I see different kinds of people. But it's the kind of people watching that makes you feel boring. Because this isn't actually a people watching. You're bound to do at least something but you're not.


I see different kinds of vehicles over the glass window passing along the highway. The big ones sometimes conceal the boring statue of a Chinese fast food chain. And I think, this statue and I are alike. We are bored of every second that passes by. But at least, there are these big vehicles that every sudden moment and then another, conceal its boredom. While I,.. well, I have to conceal it with myself. Alone.


I see this particular situation. And it urges me to be dissuaded. But I should not. Because I have to do this. Even if it means to do nothing.


Now I see myself. A guy with pretentious stare. And I am struggling with this growing apathy. It somewhat consumes me. But I have to compel myself...


-written during my OJT...

A Song Lyric For Roman



Just finished this song before the twilight. Paulit-ulit ko pang nireview yung mga words at yung measure. Palitan mo na lang yung mga trip mong palitan. At sana magawan niyo nga ng arrangement to'...



Title: Shooting Rainbow


I

Nakapatong pa rin ang lungkot sa iyong payong
Di tuloy matanaw ang liwanag ng umaga
Sa kabila ng pagbuhos ng ulan, sa magdamag na puwang
Tuwid pa rin ang estatwa mo

Refrain

Di naman talaga kailangang magsaya
Pawiin lang ang pagbuhos ng ulan sa'yong mga mata
At sa pagsara ng payong mo ay malasin ang pagtila

Chorus

(At guguhit/Gumuguhit) ang mga kulay sa kalangitan
Taglay ang aliwalas ng paglipas na nilisan
Na paulit-ulit nagbabalik
Ngunit ngayo'y susupilin ng kubang bahaghari

II

Nanghaharana ngayon ang daliri na kanina
Sumasahod sa alulod ng iyong payong
Kasama ka, tupi ang mga batok at nakatunganga
Hanggang mapanis ang laway ko

Bridge

Hindi man ako,
kasing-kulay niya,
kasing-tingkad niya,
kasing-nais ng iyong mga mata
Mananatili lang
At ako'y magmamasid
Kahit paulit-ulit,
magpabalik-balik
Ang pagbuhos ng ulan...

Chorus2

At gumuguhit ang mga kulay sa kalangitan
Taglay ang pagkagiliw na hahawa sa labi mo
At guguhit ang ngiti at aliwalas
Na sa panalangin ko'y sana'y ako ang 'yong bahaghari...

The New Rose



He saw a girl..

She saw a boy...

And she's not beautiful..

And he's a cute boy...

He stole away the rose from her ear..

She cried so bad and followed him running...

He paused..

She cried louder...

Only to find out that the rose was lost..

She stopped to cry and walked away...

He felt sorry for her..

She's mad at him.....


He saw a rose..

She saw a rose...

He picked the rose to surprise the girl..

It was given to her by a gentle boy...

So he went to the girl..

So she forgot the lost rose...

Only to find out that the girl has a new rose..

She stopped to smile when she saw the cute boy...

And it was too late for him to hide the rose..

She felt sorry for him.....

A Not So Love Story



Once, she sent me a friend request..


I smiled sweetly. She was actually my special crush back in high school..


I tried to poke her..


But she didn't poke me back..


I always liked her status and photos everytime i open my account..


But she didn't recognize it. She didn't even like my status whenever i post something..


Just this September, i greeted her on her birthday by posting on her wall..


And she didn't even thank me just like those grats that i receive from those people that i greet even we don't know each other personally..


Then one day, i had the gut to message her. And do you know what it contained?


'ang ganda mo pa din. at medyo crush pa din kita...'


Surprisingly, she finally responded:


'ganun?!? hahaha...'


Boy, i felt stupid and hopelessly fetted..


She hadn't better sent me that friend request. But more than that, i should have not taken that so deeply..


After a deep sigh, i unfriended her..


Just for me to realize when i viewed her profile one time that she is a private user and she can't be sent a friend request that easy..


But i just didn't mind it..


I don't know what's her reason of sending me a friend request despite that she has this private account and chosen friends on her account..


I don't want to expect something anymore..


But just yesterday, i was very surprised when i logged in, she sent me again a friend request..


I was unconscious for a while..


But after a few seconds, i clicked the IGNORE button..


After all, she will never be mine...


:(

Monday, May 2, 2011

Sudden Lift


Kasalukuyan akong nasa bahay ng bestfriend kong si Tepe. Medyo naglayas ako sa bahay. Medyo lang kasi padabog pa akong nagpaalam sa kanila dahil nagtatampururot ako ng konte.

Inaliw ako ni Tepe sa pamamagitan ng pagluto ng paborito kong fishball at kikiam na may super masarap na sauce at suka. Yum-yum.


Saka niya isinaksak ang isang dvd film. At ang pasaway na ito, pinanood na naman ang walang kamatayan niyang favorite na romantic drama film, ang If Only na nung magbreak sila ng bf niya, pinagdasal pa niyang yung bf niya na lang sana yung bidang lalaki para tulad nito'y namatay din.


Tepe: Tara, iyak tayo.

Jazz: Huh?!
Tepe: Sige na! Katagal ko nang walang iniiyakan, eh!
Jazz: Eh, di balikan mo si Gino. (pangalan ng ex niyang babaero)
Tepe: Pwede ba, wag mo nang pinapaalala sa akin ytung ungas na iyon!
Jazz: Gusto mong umiyak, diba?
Tepe: 'Wag na nga! Kaen na lang tayo!

At kumain na nga kami nang kumain. Natapos ang If Only at hindi umiyak si Tepe. Kung tutuusin nga, hindi na niya dapat pa talagang iniiyakan ang movie na ito dahil paulit-ulit na niya itong napanood. OA lang talaga ang babaeng ito.


Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na kinikiliti na niya ako. Ganito talaga siyang magpatawa. Lagi kasing sablay ang mga jokes niya kaya dinadaan na lang niya sa pangingiliti.


Tumawa na lang ako nang tumawa.Baka malugi pa kasi ang babaeng ito at palayasin pa ako sa bahay nila.


Pero ilang sandali lang, tumigil na siya sa pangingiliti sa akin. At sa puntong ito, pinapaalis na niya ako.


Tepe: O, tumawa ka na. Uwi na!


Napakunot-noo ako.


Tepe: Sige na. Wag ka nang magtampo.


Imbes na sumagot ako ay kiniliti ko na lang siya. Pero sandali lang iyon dahil tumayo na din agad ako at kumuha ng malamig na tubig sa kusina nila. At napasimangot pa siya dahil nabitin sa pangingiliti ko sa kanya.


Nadatnan ko sa kusina si Tita Lyn na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan namin.


Tita: O, tapos na yung pinapanood niyo?

Jazz: Opo. Memorize na memorize na po!
Tita: (tumawa siya) Pangalawang beses na niyang napanood yan ngayong araw na to.
Yung una, bago ka pa dumating.
Jazz: Huh???!
Tita: Nag-e-emote yan kanina bago ka pa dumating. Nakita niya si Gino, may bago ng girlfriend.


Natigilan ako. So pareho lang pala kaming doomsday ang araw ngayon?


Binalikan ko siya sa sala. Per nakatulog na siya. Patunay na dito ang malakas niyang paghilik.


Sayang. Kikilitiin ko pa naman sana siya :(


Ilang sandali lang, umuwi na din ako sa amin. Mabigat din naman talaga ang pagtatampururot ko. Pero nagpromise akong, mamayang nagising siya, kikilitiin ko siya ng todong-todo...

Monday, April 25, 2011

RED HOT BILL


Bakit nga ba pilit nilang pinapasa ang Red Hot Bill??? Ganun ba talaga kakakati ang mga Pilipino at kinakailangang magkaroon ng ganito kapapansing pauso?! Mga tulukan!..,


Sa paanong paraan makatutulong ang pausong ito sa pag-unlad ng bayan dahil sa pagpigil sa pagdami ng populasyon??? Yayaman ba talaga sila? Kinakailangan bang isantabi ang kalooban ng Diyos makahanap lang ng masisisi sa paghihirap ng kanilang buhay???

May babae ba si Mang Ben at nabuntis nang nabuntis ang asawa niya? (selosa kaya ingkalbit tu la ingkalbit)

Masyado ba talagang patipo si Chona at sa wakas ay may pumatol na sa kanya???

Bakit andaming anak ni Aling Tekla, eh wala naman siyang asawa???

Bakit may pambili ng marijuana si Benjo samantalang hindi nga niya mapag-aral ang mga anak niya? Eh si Aling Precy nga nagma-maxi peel pa!

Bakit hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Darvin, eh may pang-aral naman siya???

Bakit uhugin ang magkakapatid na sila May-may, Potpot, Cheche at Bekbek???

Bakit feeling magaganda ang magbabarkadang sina Eunice May, Marita Jane at Juviel Rose???

At bakit kamukha ni Noynoy si Kerokeropi???


Kung ang lahat ng tanong na iyan ay kayang sagutin at solusyunan ng pauso nyong RH Bill, daberibesting!

Pero kung ang pagmumudmod ng libreng condom na para lang nagbibigay ng libreng kendi sa mga pampublikong lugar kung saan may mga bata at mga taong may konserbatibong pananaw sa buhay ay isang hakbang ng RH Bill, ibili nyo na nga lang yan ng kendi...

17 years old pa lang ang buladas na si Ritchie pero may condom na siyang laging baon. May pambili naman ng contraceptives sina Tito Rick at Tita Nez pero siyam ang anak nila.

Masyado na ba talagang mapaghanap ang puson ng mga Pilipino at kahit nung Mahal na Araw ay may mga namumudmod ng condom?

Ibili nyo ng pagkain at gamot yung mga pinambili nyo ng condom at ibigay sa mahihirap, mas nakatulong pa kayo.

Bakit ba ang dami ng tao ang sinisisi ng gobyerno at mga paepal na tao samantalang napakadaming tao ang nasa gobyerno ang dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino???

WAG KANG MANGURAKOT AT MAGNAKAW.

MAGBAHAGI KA NG BIYAYA SA KAPWA.

MAGING RESPONSABLE KA.

PALAGUHIN MO ANG SARILI MO.

TUMULONG KA KAHIT KONTI SA PAG-UNLAD NG BANSA.

MAGING PRODUKTIBO KANG PILIPINO.


Mga simpleng paraan. Hindi nakakabastos. Hindi lang basta pauso. Walang masyadong malaking gastos. At hindi pa makukurakot.

Hindi masama ang jerjer o ang palakpak. Pwede kang bumili ng condom o contraceptives. Pero hindi mo na kailangang ipagsigawan pa ito.

Kuha mo???