kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, July 23, 2010


Pero mas masuwerte ka kung may ganito kang hitsura. Effortless, parang ako...

Friday, July 9, 2010

Population of Cute




Alam mo ba na sa 6.8 bilyon na populasyon ng tao sa mundo, 2.6 bilyon lang ang cute? At kung ihihiwalay ang mga batang cute edad mula 1-12 taon na may populasyong 2 bilyon, ibig sabihin, 600 milyon lang ang nga cute na nasa edad pataas. Pero hindi naman kasama dito yung mga magaganda at gwapo na may populasyon lang na 108,796,755.51 (yung isa kasing maganda, nasunog yung kalahating mukha at yung isa namang gwapo, tinubuan ng tigyawat kaninang umaga lang kaya may butal.)


Sa Pilipinas naman, tinatayang sa 600 milyong cute sa mundo (hindi na kasama ang mga bata), 18,684,042 ang mga Pilipinong cute edad pataas. Nabawasan pa nga ng apat yan kasi nagparetoke sila ng mukha nung isang linggo. Kaya naisip mo ba kung gaano din kadami ang nga Pilipino na cute??!


At alam mo ba na sa bilang na ito ng mga cute na Pilipino:


30% lang ang nakakaalam na cute sila,

10% naman ang di alam na cute sila at,
62% ang hindi din alam, o hindi matanggap na cute sila dahil feeling
o akala nila ay maganda o gwapo sila

(oo, alam ko sobra ng dalawa. Ang kulit kasi ng dalawang yun, katsura na nga mga mukha, pinipilit pang mga cute sila, pinagbigyan ko na nga...)


Source: Kunwakunwaring Survey, Inc.

Friday, June 25, 2010

Turo-Turo





"Uy! Pusang-gala, o! Nasagasaan yung bata, o!"

"Ay, oo nga! Kawawa naman!"

"Katanga naman ng mga magulang niyan, hinahayaan lang yung bata sa kalsada!"

"Sabihin mo, katanga-tanga nung nakasagasa, hindi tinitignan kun may tatawid!"

"Eh anu kasing ginagawa nung mga traffic aides sa kalsada?! Pampaingay lang naman yang mga yan, sabog na nga yubg beses, sabog pa yung mga pinagsasabi. Wala rin namang maitutulong sa ikaaayos ng kalsada!"

"Eh, paano naman yung gobyerno nating mukhang-pera??! Nkaupo na nga sa itaas, gusto pa, eh pera ang ipampupunas sa mga puwet nila! Pampagawa nga lang ng kalsada umaabot pa sa bilyon! Asan ngayon ang kalsadang kung titignan ngayon, eh latak lang ng malaking pondo??!"

"Aba, ewan ko! Hinahanap mo sa akin di ko naman tinago! Tsk. Tsk. Tsk. Bakit naman kinuha na lang basta-basta ni Lord yung bata? Eh, mas marami naman diyan yung dapat mamatay! Minsan tuloy, hindi ko maiwasang ihambing ang paghusga Niya sa paghusga sa korte! Kung sino pa yung mag inosente, sila pa yung parang mga nagkasala. At kung sino yung mga may kasalanan, naaabswelto at nagagawa pang mamuhay ng malaya. Kung maging masama na rin lang kaya ako? Baka sakaling pagpalain n'yarin ako!"

"Uy, tanga! Wag ka ngang maging sarcastic against kay Lord! Isa ka pa namang Romano Kristyano Katoliko, pati siya sisisihin mo sa pagkamatay ng bata!"

(natakot) "Ay, ganun ba??! Naku, sorry po Lord! Katanga-tanga kasi nung bata, eh! Galing-galingan tumawid!"

Mga pakialamero at tsimosong Pilipino,..
Mukhang perang gobyerno,..
Traffic aides na gobyerno ng kalsada,..
Mga mayayabang na driver,..
At mga napahamak dahil sa sariling katangahan,..
Lahat sila pare-pareho, mga salot sa lipunan...

Ang Kwento Ng Malaking Peklat Sa Aking Likod






Noong bata pa ako, kasama ang kapatid kong babae, mga kalarong pinsan at kapit-bahay namin, nahilig kami sa pag-i-stroll gamit ang isang bike na may side car na pag-aari nung kalarong kapit-bahay namin. Anim na babae at pitong lalake kami kaya 'wag mong lokohin ang sarili mo, di kami kasya dun, kaya yung mga babae lang ang nakasakay at ang mga lalake naman ang nagtutulak sa likuran ng bike. Isa ako sa mga nagtutulak pero madalas sumasakay ako sa gilid, yung bakal na nasa ibabaw ng gulong. Araw-araw ganun ang buhay naming magbabarkada. Masayang-masaya kahit naiinitan sa ilalim ng araw. Sa mga simpleng bagay lang, matatawaq kam na. Puno ng kasiyahan.

Kaya nga yung mga nakakakilala sa akin nung bata pa ako, espeially nung elementary ako, nagugulat kapag nakita na ako ngayon. Dati kasi maitim ako, sunog sa init ng araw pero ngayon, maputing-maputi na. Madalas, di nila ko nakikiklala. Minsan nga, tumatakbo sa isip ko na baka iniisip nila "nagba-biolink " ako.
Araw-araw din kaming 'nagnanakaw' ng malalaking singkamas sa tapat ng sementeryo na nakakatakot tuwing tanghaling tapat at gabi. Eh, madalas tanghaling tapat kami kumukuha ng singkamas, kaya pag nakakuha na, mabilis naming itutulak at paaandarin yung bike. Minsan pa nga naiwan yung maliit na kapatid ng kalaro namin na may-ari nung bike. Umiyak ito ng umiyak. At kinagabihan, nilagnat yung bata. GROUNDED TULOY YUNG BIKE.

Pero kinaumagahan, dahil mga batang pasaway, tinakas namin yung bike. At kung iisispin natin, sadyang napakasarap talagang gawin ang isang bagay na ipinagbabawal.

Nang hapong iyon, kumuha ulit kami ng singkamas, at isang pangyayari ang di namin inaasahan. Nahuli kami nung may-ari ng pananim. Galit na galit ito kaya dali-dali kaming nagtulak ng bike, at sa sobrsang taranta at pagmamadali, isang malaking truck pala ang papasalubong sa amin. Parang lahat kami naging bato habang palapit nang palapit yung malaking truck. At animo'y walanang sa aming mga batang utak bagkus ay kasing puti na lang ng loob ng singkamas.

Pinitpit lang ng truck ang bisikletang nagbibigay-saya sa amin araw-araw. Tumurit lahat ng nasa likuran, isa na ako dun. Sumadsad ang likod ko sa magaspang na aspaltadong daan at nagkaroon ng pinsala sa aking paa kaya sa ngayon ay madalas kong inilalalkad yon sa tako na muntik na akong mawalan ng paa. Yung pinsan at kapit-bahay naming lalaki, basag yung mga bungo at nagsikalat pa ang pira-pirasong utak ng pagkabata at kamusmusan. Yung dalawa pa, lasog-lasog yung mga buto. At maswerte yung dalawa pa dahil tumilapon lang sila sa tabi ng kalsada. Yung dalawang babaewng nakasakay, napitpit sa malalaking gulong ng truck. Lasog-lasog din yung katawan ng apat pang babae, kasama na dun yung kapatid ko.

Sa anim na babae, dalawa yung nabuhay. At ang masakit, hindi dun kasama yung kapatid ko. Yung isang pinsan kong babae, buhay pero nabulag. Yung isa, nabaldado na sa wheelchair.

Sa pito namang lalake, apat ang nabuhay. At ang masakit, isa ako dun. Isang malaking peklat ang alala nun. Um,iyak ako nang umiyak nang magising ako. Hindi lubos maisip na wala na ang anim na kalaro at isang pinakamamahal na kapatid. Parang isa lamang madramang trahedya na pinatotohanan lang ng masaklkap na pangyayari.

Sa bawat araw na lumilipas, pabigat nag pabigat ang aking nararamdaman. Magigising ka na lang sa umaga na wala ka na palang kalaro. Paulit-ulit naninisi ang isang sigaw na di na dapat namin itinakas pa ang bisikleta siya ring tatapos ng maliligayang-araw namin.

Mas masakit pa sa bawat subok ng paglakad ng mga paang muntik nang mawala. Muntik na akong nawalan ng gana sa buhay. PERO NAISIP KO, YUNG MGA TAONG YON NA ANWALA SA BUHAY KO, AY SIGURADONG MASAYA NA NABUHAY PA AKO...

Moral Lesson:
Walang Moral Lesson. Gawa-gawa ko lang ang kwento, naniwala ka naman...

Ampolenius

What You Will Need Para Mag-AMPOL:

tasa (yung may designs para maganda)

kutsara
suka (preferably sukang tubo na pinagbabaran ng maraming sili)
cornick (kahit anong brand; boy bawang, siga, bida, bawang na bawang, etc.)


Ngayon, pwede ka nang mag-AMPOL!!! Yum-yum!!! Makatulo laway, pati na rin sipon!

Recommended: Tumapat sa electric fan para di pagpawisan at mangamoy ampol. Huwag itapon ang sukang pinag-ampolan. Mainam itong papakin at gawing vitamin. Yum-yum!!!

Monday, March 2, 2009

Once, Jasper Met A Girl...



May isang kolehiyalang nangungulangot sa jeep.
Di napigilan ni Jas na tanungin ang dalaga...

Jas: Miss, anung kinukuha mo?

Miss: Nursing, baket???
Jas: Aaahhh! akala ko kulangot!

Wednesday, February 25, 2009

Usual Vanity Mirror Moments

1. magsusuklay ng buhok

2. magpopolbo


3.kakagatin ang labi para mamula


4.mag-i-smile


5. hahawiin ang kilay


6. titingala para makita kung may


nagpapapansing kulangot


7. titignan ang bawat sulok ng mukha


8. kukutingtingin ang pinagpuyatang pimples


9. pasisingkitin sng mata para malaman kung


bagay nyang maging Chinese


10.pipisit-pisitin ang pisngi para mamula


11.mag-i-smile ulit


12.kukuha ng sinulid at isisingit sa bawat


pagitan ng mga ngipin


13.pipisitin ang ilong sa kagustuhang tumangos


14.kukuha uli ng polbo sa kagustuhang pumuti


15.kakagatin uli ang labi dahil bumalik na sa

dating kulay

16.mag-i-smile ulit, yung best smile na nya


17.mapapansing wala siyang dimples kaya

tutusuk-tusukin sng gilid ng bibig

18.susuko dahil na-realize na hindi talaga

magwo-work

19.magpapa-cute na sa salamin


20.nagsisimula nang kumanta at feeling

gumagawa ng sariling music video

21.hindi pa makukuntento, isisindi n
a
ang electric fan

Wednesday, February 18, 2009

Eh Kasi Bata!




Isang araw, may dalawang batang nag-aaway...


Yanna: Akala mo naman kung sino ka diyan, ang yabang-yabang mo!


Duran: Ay! Hindi po kami mayaman!


Yanna: Bakit may sinasabi ba akong mayaman ka?! Kabobo, eh!


Duran: Walang taong bobo, tanga lang! Katanga mo talaga!


Yanna: Bakit mo ako minumura? Bakit pinapalamon mo ba ako???


Duran: Bakit sinasabi ko ba?! Porke mayaman lang kayo!


Yanna: Porke may computer lang mayaman na ba yun?! Kayo, ah!

Porke dumating lang yung ate mo galing Japan!

Duran: O, talaga, mayaman kami!


Yanna: Wuh! Mayabang talaga yung malaking tikbalang, eh!


Duran: Tang*na mo!


Yanna: Weh! Nagmumura! Puputulin ni Lord yung dila mo, lagot ka!!!


Duran: (napikon, binato si Yanna)


Yanna: (umiyak, patulo-tulo pa ang sipon) Akala mo! Pag nabagok

yung ulo ko may pampadoktor ka ba??? Kala mo
kamahal-mahal magpaospital!

Duran: Mayaman kaya kami!


Yanna: Uhm, mayabang! Isusumbong kita sa Papa ko!


Duran: Di magsumbong ka! Gusto mo samahan pa kita, eh! Hawakan

ko pa yung tenga ng Tatay mong supot!

Yanna: Wuh, mayabang! Kala mo, isusumbon kita sa Papa ko,

babarilin ka niya!

Duran: Eh, anu ngayon??! Pabaril ko pa sa kanya si Rizal!


Yanna: Weh!!! Pati patay dinadamay n'ya, eh! Mamaya multuhin ka nun!



(dumating ang isang batang iyakin at sumbungero...)


Duran: Uy, andyan na yung batang sumbungero, o!


Yanna: Bakit, ah???


Duran: Kahapon, naglalaro kami ng touch ball, natamaan lang umiyak na!

Nagsumbong sa Tatay n'ya, kinuha tuloy yung bola!

Yanna: Sumbungero talaga yan, ay!


Duran: Kaya nga! 'Wag nating bati!


Yanna: Oo! Tara na nga, para walang kalaro yung batang sumbungero!


(naiwan ang batang sumbungero na extra lang sa kwento

at nagbati na ang dalawang batang nag-aaway...)

Sunday, February 8, 2009

Stages Of Life



Ang baby na umiiyak, pinapadodo


Ang batang malikot, pinipingot


Ang batang makulet, pinapalo sa puwet


Ang batang tamad mag-aral, pinipilit mag-aral


Ang batang tumatanda, bata pa rin sa paningin ng mga matatanda


Ang teenager, alam na rin ang 'jerjer'


Ang teenager na may cellphone, lumalandi na


Ang dalagitang may syota, lumalaki nag dyoga


Ang binatilyong malambot, pakembot-kembot


Ang dalaga't binatang meron nang trabaho,

meron na ring pambili ng pabango

Ang dalaga't binatang wala pa ring trabaho, patambay-tambay

mukhang mabaho

Ang dalaga't binata, malapit nang mag-asawa


Ang may asawa, meron nang pamilya


Ang magulang, tuluyan nang magsisilang


Ang isinilang na baby, lalaki hanggang lumandi


Ang lumandi, mag-aasawa't magkakaanak


Kaya ang magulang, lolo't lola na


Ang lolo't lola, meron nang rayuma


Ang lolo't lola, mag-iisip-bata...


( back to first cycle til fade... )

Eh Kasi Cute!




Ma'am: O, Jasper, late ka na naman!


Jas: Ma'am, kasalanan po kasi nung cute na girl

na sumusunod sa akin.

Ma'am: Eh, anong kinalaman nya?!?


Jas: Kabagal nya po kasing maglakad!

Friday, January 30, 2009

Ways On How To Kill A Fire

Di Epektib Gawin:

1. Paypayan ang bunganga


2. Magmumog sa gripo

3. Maglagay ng toothpaste


4. Itapat ang bunganga sa electric fan


5. Papakin ang asukal



Epektib Gawin:


1. Dilaan o isubo ang malamig na kutsara


2. Magmumog ng Listerine


3. Kumain ng yelo


4. Itapat nag bunganga sa aircon


5. Kumain ng ice cream kung sosyal ka at ice candy

na lang kung wala kang 'atik'


Proven and Tested:
Ginagawa ko ang mga iyon pagkatapos
kumain ng Boy Bawang na ibinabad sa maanghang na suka...

I'm Genius

Husen: Oi, Jas, di'ba matalino ka?

Jas: Hindi naman, magaling lang talaga ako! Bakit?


Husen: Bakit ang aso tumatahol, ang pusa agmimiyaw???


Jas: Alangan namang magmiyaw ang aso at tatahol

ang pusa! Katanga muh naman!

Husen: Ai, oo nga, noh?! Eh, bakit ang nunal kulay itim,

ang uling kulay black???

Jas: Alangan namang kulay black ang nunal at kulay

itim ang uling! Katanga muh talaga!

Husen: Ai, oo nga, noh?! Katalino muh talaga, ehehe!!!



Moral Lesson: 'Wag magtatanong sa galing-galingan dahil sa bandang huli, magmumukha ka lang bobo dahil nagpauto ka sa mga sinabi nya...