kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Monday, May 2, 2011

Sudden Lift


Kasalukuyan akong nasa bahay ng bestfriend kong si Tepe. Medyo naglayas ako sa bahay. Medyo lang kasi padabog pa akong nagpaalam sa kanila dahil nagtatampururot ako ng konte.

Inaliw ako ni Tepe sa pamamagitan ng pagluto ng paborito kong fishball at kikiam na may super masarap na sauce at suka. Yum-yum.


Saka niya isinaksak ang isang dvd film. At ang pasaway na ito, pinanood na naman ang walang kamatayan niyang favorite na romantic drama film, ang If Only na nung magbreak sila ng bf niya, pinagdasal pa niyang yung bf niya na lang sana yung bidang lalaki para tulad nito'y namatay din.


Tepe: Tara, iyak tayo.

Jazz: Huh?!
Tepe: Sige na! Katagal ko nang walang iniiyakan, eh!
Jazz: Eh, di balikan mo si Gino. (pangalan ng ex niyang babaero)
Tepe: Pwede ba, wag mo nang pinapaalala sa akin ytung ungas na iyon!
Jazz: Gusto mong umiyak, diba?
Tepe: 'Wag na nga! Kaen na lang tayo!

At kumain na nga kami nang kumain. Natapos ang If Only at hindi umiyak si Tepe. Kung tutuusin nga, hindi na niya dapat pa talagang iniiyakan ang movie na ito dahil paulit-ulit na niya itong napanood. OA lang talaga ang babaeng ito.


Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na kinikiliti na niya ako. Ganito talaga siyang magpatawa. Lagi kasing sablay ang mga jokes niya kaya dinadaan na lang niya sa pangingiliti.


Tumawa na lang ako nang tumawa.Baka malugi pa kasi ang babaeng ito at palayasin pa ako sa bahay nila.


Pero ilang sandali lang, tumigil na siya sa pangingiliti sa akin. At sa puntong ito, pinapaalis na niya ako.


Tepe: O, tumawa ka na. Uwi na!


Napakunot-noo ako.


Tepe: Sige na. Wag ka nang magtampo.


Imbes na sumagot ako ay kiniliti ko na lang siya. Pero sandali lang iyon dahil tumayo na din agad ako at kumuha ng malamig na tubig sa kusina nila. At napasimangot pa siya dahil nabitin sa pangingiliti ko sa kanya.


Nadatnan ko sa kusina si Tita Lyn na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan namin.


Tita: O, tapos na yung pinapanood niyo?

Jazz: Opo. Memorize na memorize na po!
Tita: (tumawa siya) Pangalawang beses na niyang napanood yan ngayong araw na to.
Yung una, bago ka pa dumating.
Jazz: Huh???!
Tita: Nag-e-emote yan kanina bago ka pa dumating. Nakita niya si Gino, may bago ng girlfriend.


Natigilan ako. So pareho lang pala kaming doomsday ang araw ngayon?


Binalikan ko siya sa sala. Per nakatulog na siya. Patunay na dito ang malakas niyang paghilik.


Sayang. Kikilitiin ko pa naman sana siya :(


Ilang sandali lang, umuwi na din ako sa amin. Mabigat din naman talaga ang pagtatampururot ko. Pero nagpromise akong, mamayang nagising siya, kikilitiin ko siya ng todong-todo...

Monday, April 25, 2011

RED HOT BILL


Bakit nga ba pilit nilang pinapasa ang Red Hot Bill??? Ganun ba talaga kakakati ang mga Pilipino at kinakailangang magkaroon ng ganito kapapansing pauso?! Mga tulukan!..,


Sa paanong paraan makatutulong ang pausong ito sa pag-unlad ng bayan dahil sa pagpigil sa pagdami ng populasyon??? Yayaman ba talaga sila? Kinakailangan bang isantabi ang kalooban ng Diyos makahanap lang ng masisisi sa paghihirap ng kanilang buhay???

May babae ba si Mang Ben at nabuntis nang nabuntis ang asawa niya? (selosa kaya ingkalbit tu la ingkalbit)

Masyado ba talagang patipo si Chona at sa wakas ay may pumatol na sa kanya???

Bakit andaming anak ni Aling Tekla, eh wala naman siyang asawa???

Bakit may pambili ng marijuana si Benjo samantalang hindi nga niya mapag-aral ang mga anak niya? Eh si Aling Precy nga nagma-maxi peel pa!

Bakit hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Darvin, eh may pang-aral naman siya???

Bakit uhugin ang magkakapatid na sila May-may, Potpot, Cheche at Bekbek???

Bakit feeling magaganda ang magbabarkadang sina Eunice May, Marita Jane at Juviel Rose???

At bakit kamukha ni Noynoy si Kerokeropi???


Kung ang lahat ng tanong na iyan ay kayang sagutin at solusyunan ng pauso nyong RH Bill, daberibesting!

Pero kung ang pagmumudmod ng libreng condom na para lang nagbibigay ng libreng kendi sa mga pampublikong lugar kung saan may mga bata at mga taong may konserbatibong pananaw sa buhay ay isang hakbang ng RH Bill, ibili nyo na nga lang yan ng kendi...

17 years old pa lang ang buladas na si Ritchie pero may condom na siyang laging baon. May pambili naman ng contraceptives sina Tito Rick at Tita Nez pero siyam ang anak nila.

Masyado na ba talagang mapaghanap ang puson ng mga Pilipino at kahit nung Mahal na Araw ay may mga namumudmod ng condom?

Ibili nyo ng pagkain at gamot yung mga pinambili nyo ng condom at ibigay sa mahihirap, mas nakatulong pa kayo.

Bakit ba ang dami ng tao ang sinisisi ng gobyerno at mga paepal na tao samantalang napakadaming tao ang nasa gobyerno ang dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino???

WAG KANG MANGURAKOT AT MAGNAKAW.

MAGBAHAGI KA NG BIYAYA SA KAPWA.

MAGING RESPONSABLE KA.

PALAGUHIN MO ANG SARILI MO.

TUMULONG KA KAHIT KONTI SA PAG-UNLAD NG BANSA.

MAGING PRODUKTIBO KANG PILIPINO.


Mga simpleng paraan. Hindi nakakabastos. Hindi lang basta pauso. Walang masyadong malaking gastos. At hindi pa makukurakot.

Hindi masama ang jerjer o ang palakpak. Pwede kang bumili ng condom o contraceptives. Pero hindi mo na kailangang ipagsigawan pa ito.

Kuha mo???

Tuesday, April 12, 2011

what is 'pethics'?

JAS: hindi ko alam...
- ???

JAS: bakit kasi kelangan mo pang tanungin?!
- di 'wag! ikaw tong nag-create sa akin para tanungin kung anong ibig sabihin ng salitang pethics, taz susungitan mo lang ako! papansin!

JAS: murit! kasungit mo naman, drama lang iyon! para naman kunwari hindi ko agad ide-define ang salitang 'pethics'. hindi ka naman pala marunong maki-ride.
- ah, ganun ba? sige, ulitin natin!

JAS: wag na! hindi na kita kailangan, tsupi!
- noooooooooo..... ( echo til fade)
So ano nga ba ang salitang 'pethics'? Isa ba itong ideya na may kinalaman din sa salitang ethics? So bakit may 'P'?

Ang salitang 'pethics' ay isang balbal na salita na ang ibig sabihin ay paeasy-easy, walang problema o hindi umaako ng responsibilidad. Kadalasang ginagawa niya ay 'wala'. Karaniwan mo siyang makikitang nakahilata, lamon lang ng lamon, nakababad sa TV, may headphone na nakapasak sa magkabilang tenga at minsan ay nake-carried away pa sa kanta. Pwede din siya yung kaklase nating mahilig magpagawa sa atin ng mga assignments at projects na napipilitan tayong gawin dahil may lihim tayong pagtingin sa kanya. Masasabi din natin na ang pinakamalaki at pinakaperpektong modelo ng salitang 'pethics' ay ang super busy 'kuno' nating mga pulitiko.

Andami-daming tao ang nakapila sa labas ng opisina ni Mayor. Parang super busy niya 'ata. Buong araw naghihintay yung mga kababayan niyang nagluklok sa kanya sa kanyang puwesto yun pala natutulog lang ng mga oras na iyon dahil sa hangover mula sa isang birthday party ng kasama niya sa rotary. Eh si Congressman nga pumapasok lang sa Kongreso para magchill sa airconditioned niyang kwarto at tumagay ng malamig na malamig na mineral water.


Una kong nakilala ang salitang ito noong high school pa lang ako at madalas akong sumbatan ng aking mga magulang na ang tamad-tamad ko daw at papetiks-petiks lang daw ako sa buhay. At medyo totoo naman pero hindi naman masyado. Slight lang.

So bakit nga ba may 'P' ang salitang pethics at may kinalaman nga ba ito sa salitang 'ethics'? Simple lang, dahil ang salitang pethics ay tumutukoy sa madalas iasal ng mga p-ulpol, p-apogi, p-apampam, p-aepal at p-asikat na 'P'-ultiko. 

Yun lang.

Thursday, January 13, 2011

Paano Pa Magiging Sad Pag Sad Ka:


1. Isiping mabuti ang tungkol sa bagay na ikinalulungkot mo

2. Huwag kang umiyak para lalo mo pang kimkimin ang nararamdaman mo
3. Pagmasdang mabuti ang malungkot mong mukha sa salamin
4. Lasapin ang iyong kalungkutan at kung gaano ka nakakaawa
5. Maglasing para hindi ka maka-move on. Sa oras na malasing ka at sandaling malimutan ang ikinalulungkot mo, babalik uli ato kapag hindi ka na lasing
6. Magpakamatay para hindi lang ikaw ang malungkot kundi pati na rin ang mga mahal mo sa buhay

Note: Obvious naman na kabaligtaran nito ang gusto kong gawin ng taong nalulungkot. Pinakita ko lang kung gaano ka kalala pag nalulungkot ka na hindi naman dapat. Cheer up! Huwag mong hayaang malukot ang cute mong mukha...

Monday, December 6, 2010

Old Soul, New Life




"Masasabi mo bang bagong tao na ang taong nagbagong-buhay samantalang siya pa rin naman iyon sa mga aspetong hitsura, pangalan at dahil sinabi niya lang?.."


I.D.U.T.S.


'Yan ang kadalasang sagot ng nakararami sa mga tanong na hindi mo masabing 'yes' o 'no'.


It depends upon the situation...


Kung gusto mo namang mas safe, "pwede both?"


At kung medyo tinatamad kang mag-isip, isang simpleng EWAN...



Namatay si Yes. Nabuhay si No sa milagrong paraan. At nabuhay din si Iduts mula sa kritikal na kondisyon. May mga naghinagpis at naiwan. At meron namang lubos na nagpasalamat at nagdiwang.


Lumipas ang ilang taon...


Nagbagong-buhay ang mga taong naiwan ni Yes dahil sa kabutihan nito. Nag-iwan ito ng aral at mabuting ehemplo.


Si No na dating pasaway ay natutong pahalagahan ang kanyang buhay. Sa madaling salita, siya ay nagbabgong-buhay.


Pero si Iduts na isa ding sinuwerte sa trahedya, nanatili sa dati niyang buhay. Hindi sobrang nagpakabuti at hindi naman nagpakasama.


Ang tanong ay nasa itaas. At tatlo ang pagpipilian mo, 'Yes', 'No', at 'Iduts'...

Monday, September 13, 2010

Finally...




May isang emoterong linya ang naka-vandalate sa isang desk ng classroom namin. Lumang-luma na pero ang sabi, "Fix me, I'm broken..."

Lumipas ang ilang araw, may pumatol na nagrespond sa sinulat niya at sinulat sa baba nu'n...

"TRY TO FIX YOURSELF ALONE! SHIT!"

(Finally, nakapag-post din ako. kahit medyo mababaw...)

Friday, August 6, 2010

The Painful Breakup...



If we talk about moving on, I can smile.

Two years ago. She was crying. Not because she was hurt. But because she was happy for me. She was setting me free that time. And I didn't want to. And she didn't want either. Then why was she happy for me?

Four years ago. She was laughing. Not because she was happy. But because she was hurt by a guy. The guy set her free. And she didn't want to. And he didn't want either. So she was really crying.

Three years ago. We were happy. We were laughing together. Sometimes we were crying together. But we were happy.

Two years ago. I was happy. I thought I found the girl. Just as what I thought.

Two years ago. She was crying. But she was smiling. She was saying goodbye. She said she was happy for me. Because I found the girl.

Three years ago. We were happy. We were laughing and crying. But we were not together.

A few years ago. I thought I wouldn't be able to move on. We were not together. But we had to set each other free. It was a painful breakup. Because we were not together.

Just this year. We are happy. We have our separate lives. But we are happy for each other. That's why if we talk about moving on, I can smile.

Friday, July 23, 2010

5 Things You Can Do So You'll Still Die Cute:

1. Magpolbo at magsuklay ng buhok bago matulog, para kung mabangungot ka man hindi ka mukhang haggard tignan. At least prepared ka, di ba?

2. Kung magpapakamatay ka, wag kang magbibigti. Siguro naman nai-imagine mo na ang sarili mo na nakabigti. Ang sagwa. Huwag ding maglalason, magmumukha kang excited matulog sa gabi kaya nakalimutan mong magmumog habang angsesepilyo. Maglaslas ka na langl. At, least may oras ka pa para magpose kung paano ka mamamatay, di ba?

3. Kung alam mong may taning na ang buhay mo, masuwerte ka dahil makakapag-prepare ka pa ng mabuti. Imbes na gastusin ang pera sa pagbili ng gamot, mag paderma o retoke ka na lang, o di kaya'y bumili ng beauty products. Mamamatay ka na nga, bibili ka pa ng gamot. Asa ka pa!

4. Ngayon pa lang, pag-aralan mo nag tiisin lahat ng sakit. Malaking tulong ito. For example, babarilin ka na. Syempre unang reaksyon mo ang masaktan. Pero kailangan mong isipin na kung mamatay ka man, dapat cute ka. Ipagsawalang-bahala ang sakit, imbes ay magpa-cute ka.

5. Kung talaga naman very disastrous ang magiging pagkamatay mo, like mababagsakan ka ng building, o di kaya'y masasabugan ng bomba. Syempre wala kang kawala sa pagpapa-cute.Tiyak na magkakagutay-gutay ang mukha mo. Pero wag kang mawalan ng pag-as. May tanging paraan para diyan, kaya nga andito ako, eh!
Ala-Jazz cute style. Pisilin ng dalawang kamay ang magkabilang pisngi. O, diba? Sabog man ang mukha mo, cute ka pa rin. Yan nga lang ang trademark ng mga batang nagpapa-cute... :)

Tingin mo, magiging kamukha mo kay yung nasa picture???

Pero mas masuwerte ka kung may ganito kang hitsura. Effortless, parang ako...

Friday, July 9, 2010

Population of Cute




Alam mo ba na sa 6.8 bilyon na populasyon ng tao sa mundo, 2.6 bilyon lang ang cute? At kung ihihiwalay ang mga batang cute edad mula 1-12 taon na may populasyong 2 bilyon, ibig sabihin, 600 milyon lang ang nga cute na nasa edad pataas. Pero hindi naman kasama dito yung mga magaganda at gwapo na may populasyon lang na 108,796,755.51 (yung isa kasing maganda, nasunog yung kalahating mukha at yung isa namang gwapo, tinubuan ng tigyawat kaninang umaga lang kaya may butal.)


Sa Pilipinas naman, tinatayang sa 600 milyong cute sa mundo (hindi na kasama ang mga bata), 18,684,042 ang mga Pilipinong cute edad pataas. Nabawasan pa nga ng apat yan kasi nagparetoke sila ng mukha nung isang linggo. Kaya naisip mo ba kung gaano din kadami ang nga Pilipino na cute??!


At alam mo ba na sa bilang na ito ng mga cute na Pilipino:


30% lang ang nakakaalam na cute sila,

10% naman ang di alam na cute sila at,
62% ang hindi din alam, o hindi matanggap na cute sila dahil feeling
o akala nila ay maganda o gwapo sila

(oo, alam ko sobra ng dalawa. Ang kulit kasi ng dalawang yun, katsura na nga mga mukha, pinipilit pang mga cute sila, pinagbigyan ko na nga...)


Source: Kunwakunwaring Survey, Inc.

Friday, June 25, 2010

Turo-Turo





"Uy! Pusang-gala, o! Nasagasaan yung bata, o!"

"Ay, oo nga! Kawawa naman!"

"Katanga naman ng mga magulang niyan, hinahayaan lang yung bata sa kalsada!"

"Sabihin mo, katanga-tanga nung nakasagasa, hindi tinitignan kun may tatawid!"

"Eh anu kasing ginagawa nung mga traffic aides sa kalsada?! Pampaingay lang naman yang mga yan, sabog na nga yubg beses, sabog pa yung mga pinagsasabi. Wala rin namang maitutulong sa ikaaayos ng kalsada!"

"Eh, paano naman yung gobyerno nating mukhang-pera??! Nkaupo na nga sa itaas, gusto pa, eh pera ang ipampupunas sa mga puwet nila! Pampagawa nga lang ng kalsada umaabot pa sa bilyon! Asan ngayon ang kalsadang kung titignan ngayon, eh latak lang ng malaking pondo??!"

"Aba, ewan ko! Hinahanap mo sa akin di ko naman tinago! Tsk. Tsk. Tsk. Bakit naman kinuha na lang basta-basta ni Lord yung bata? Eh, mas marami naman diyan yung dapat mamatay! Minsan tuloy, hindi ko maiwasang ihambing ang paghusga Niya sa paghusga sa korte! Kung sino pa yung mag inosente, sila pa yung parang mga nagkasala. At kung sino yung mga may kasalanan, naaabswelto at nagagawa pang mamuhay ng malaya. Kung maging masama na rin lang kaya ako? Baka sakaling pagpalain n'yarin ako!"

"Uy, tanga! Wag ka ngang maging sarcastic against kay Lord! Isa ka pa namang Romano Kristyano Katoliko, pati siya sisisihin mo sa pagkamatay ng bata!"

(natakot) "Ay, ganun ba??! Naku, sorry po Lord! Katanga-tanga kasi nung bata, eh! Galing-galingan tumawid!"

Mga pakialamero at tsimosong Pilipino,..
Mukhang perang gobyerno,..
Traffic aides na gobyerno ng kalsada,..
Mga mayayabang na driver,..
At mga napahamak dahil sa sariling katangahan,..
Lahat sila pare-pareho, mga salot sa lipunan...

Ang Kwento Ng Malaking Peklat Sa Aking Likod






Noong bata pa ako, kasama ang kapatid kong babae, mga kalarong pinsan at kapit-bahay namin, nahilig kami sa pag-i-stroll gamit ang isang bike na may side car na pag-aari nung kalarong kapit-bahay namin. Anim na babae at pitong lalake kami kaya 'wag mong lokohin ang sarili mo, di kami kasya dun, kaya yung mga babae lang ang nakasakay at ang mga lalake naman ang nagtutulak sa likuran ng bike. Isa ako sa mga nagtutulak pero madalas sumasakay ako sa gilid, yung bakal na nasa ibabaw ng gulong. Araw-araw ganun ang buhay naming magbabarkada. Masayang-masaya kahit naiinitan sa ilalim ng araw. Sa mga simpleng bagay lang, matatawaq kam na. Puno ng kasiyahan.

Kaya nga yung mga nakakakilala sa akin nung bata pa ako, espeially nung elementary ako, nagugulat kapag nakita na ako ngayon. Dati kasi maitim ako, sunog sa init ng araw pero ngayon, maputing-maputi na. Madalas, di nila ko nakikiklala. Minsan nga, tumatakbo sa isip ko na baka iniisip nila "nagba-biolink " ako.
Araw-araw din kaming 'nagnanakaw' ng malalaking singkamas sa tapat ng sementeryo na nakakatakot tuwing tanghaling tapat at gabi. Eh, madalas tanghaling tapat kami kumukuha ng singkamas, kaya pag nakakuha na, mabilis naming itutulak at paaandarin yung bike. Minsan pa nga naiwan yung maliit na kapatid ng kalaro namin na may-ari nung bike. Umiyak ito ng umiyak. At kinagabihan, nilagnat yung bata. GROUNDED TULOY YUNG BIKE.

Pero kinaumagahan, dahil mga batang pasaway, tinakas namin yung bike. At kung iisispin natin, sadyang napakasarap talagang gawin ang isang bagay na ipinagbabawal.

Nang hapong iyon, kumuha ulit kami ng singkamas, at isang pangyayari ang di namin inaasahan. Nahuli kami nung may-ari ng pananim. Galit na galit ito kaya dali-dali kaming nagtulak ng bike, at sa sobrsang taranta at pagmamadali, isang malaking truck pala ang papasalubong sa amin. Parang lahat kami naging bato habang palapit nang palapit yung malaking truck. At animo'y walanang sa aming mga batang utak bagkus ay kasing puti na lang ng loob ng singkamas.

Pinitpit lang ng truck ang bisikletang nagbibigay-saya sa amin araw-araw. Tumurit lahat ng nasa likuran, isa na ako dun. Sumadsad ang likod ko sa magaspang na aspaltadong daan at nagkaroon ng pinsala sa aking paa kaya sa ngayon ay madalas kong inilalalkad yon sa tako na muntik na akong mawalan ng paa. Yung pinsan at kapit-bahay naming lalaki, basag yung mga bungo at nagsikalat pa ang pira-pirasong utak ng pagkabata at kamusmusan. Yung dalawa pa, lasog-lasog yung mga buto. At maswerte yung dalawa pa dahil tumilapon lang sila sa tabi ng kalsada. Yung dalawang babaewng nakasakay, napitpit sa malalaking gulong ng truck. Lasog-lasog din yung katawan ng apat pang babae, kasama na dun yung kapatid ko.

Sa anim na babae, dalawa yung nabuhay. At ang masakit, hindi dun kasama yung kapatid ko. Yung isang pinsan kong babae, buhay pero nabulag. Yung isa, nabaldado na sa wheelchair.

Sa pito namang lalake, apat ang nabuhay. At ang masakit, isa ako dun. Isang malaking peklat ang alala nun. Um,iyak ako nang umiyak nang magising ako. Hindi lubos maisip na wala na ang anim na kalaro at isang pinakamamahal na kapatid. Parang isa lamang madramang trahedya na pinatotohanan lang ng masaklkap na pangyayari.

Sa bawat araw na lumilipas, pabigat nag pabigat ang aking nararamdaman. Magigising ka na lang sa umaga na wala ka na palang kalaro. Paulit-ulit naninisi ang isang sigaw na di na dapat namin itinakas pa ang bisikleta siya ring tatapos ng maliligayang-araw namin.

Mas masakit pa sa bawat subok ng paglakad ng mga paang muntik nang mawala. Muntik na akong nawalan ng gana sa buhay. PERO NAISIP KO, YUNG MGA TAONG YON NA ANWALA SA BUHAY KO, AY SIGURADONG MASAYA NA NABUHAY PA AKO...

Moral Lesson:
Walang Moral Lesson. Gawa-gawa ko lang ang kwento, naniwala ka naman...