kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Monday, December 15, 2008

A Love Story




Isang araw, pumasok si Jas sa isang catholic school kung saan ang principal at monsignor ay 'magkamukha'. Pagpasok nya sa classroom ay nadatnan nya ang mga bagong kaklase at may isang nakatalikod na babae na kinukulit ng mga kaklase nilang lalake.





Napaisip tuloy si Jas at sinabi sa sariling, "siguro maganda itong kakalase naming ito..."




Sabay namang humarap ang babae at sandali siyang natulala dahil dito. Saka sinabing, "uhm, okey lang!" (wehehe! akala nyo na-love at first sight ako, noh?)




Actually, naninibago pa kasi sya nung mga araw na iyon at sa ilang mga araw pang nagdaan. Wala pa rin syang nagugustuhang babae kasi naman hindi lahat kagandahan.




Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya at pag-upo sa kanyang armchair, na-realize nyang gusto na nya ang babaeng ito! At ito nga ay si 'bisyo'.




Sa tuwing parating na si 'bisyo', parang humihinto ang mundo nya. Ang nilipad nitong buhok, ang ngiti nitong napakatamis, at ang mga mata nitong kumikislap. (alam nyo ba, hindi ako sure kung ano talaga ang kulay ng mata nya. Para kasing black na naka-contact lense ng white. ewan ko ba, minsan kasi iniisip ko na baka katarata iyon!)




Late June 2004, una at huli nilang pag-uusap. Sa business center kung saan bumibili si Jas ng index card ay biglang napadaan doon si 'bisyo'.




"Ah, kailangan nga pala natin ng index card ngayon, noh?" sabi ni bisyo.




"U-uhh, o-oo, hehe!," kinakabahan namang tugon ni Jas. "Pero ano nga palang size? Alam mo ba?"




"Ang alam ko 1/8 ata," tugon ni bisyo.




Sabay singit si manang, "Sensya! Wala nang 1/8, 1/4 na lang ang meron! Kung gusto nyo gupitin ko na lang para maging 1/8 ???"


(aba! si manang napaka-resourceful talaga!)




Natapos ang taon at mula nang araw na iyon, hindi na sila nag-usap ni 'bisyo'. Naging first honor pa nga si bisyo nun!




Second year, wala na si 'bisyo' sa catholic school. Nabalitaan nya na lang na sa Manila na pala ito nag-aaral : (

4 comments:

D.R.E.A. said...

cno ba kasi si 'bisyo'???

Unknown said...

mushy!!! tama na ang pagiging torpe!!!

Anonymous said...

cute,. pero bitin...

Anonymous said...

Wow naman friend. Past is past! --JOANE