kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Wednesday, February 25, 2009

Usual Vanity Mirror Moments

1. magsusuklay ng buhok

2. magpopolbo


3.kakagatin ang labi para mamula


4.mag-i-smile


5. hahawiin ang kilay


6. titingala para makita kung may


nagpapapansing kulangot


7. titignan ang bawat sulok ng mukha


8. kukutingtingin ang pinagpuyatang pimples


9. pasisingkitin sng mata para malaman kung


bagay nyang maging Chinese


10.pipisit-pisitin ang pisngi para mamula


11.mag-i-smile ulit


12.kukuha ng sinulid at isisingit sa bawat


pagitan ng mga ngipin


13.pipisitin ang ilong sa kagustuhang tumangos


14.kukuha uli ng polbo sa kagustuhang pumuti


15.kakagatin uli ang labi dahil bumalik na sa

dating kulay

16.mag-i-smile ulit, yung best smile na nya


17.mapapansing wala siyang dimples kaya

tutusuk-tusukin sng gilid ng bibig

18.susuko dahil na-realize na hindi talaga

magwo-work

19.magpapa-cute na sa salamin


20.nagsisimula nang kumanta at feeling

gumagawa ng sariling music video

21.hindi pa makukuntento, isisindi n
a
ang electric fan

Wednesday, February 18, 2009

Eh Kasi Bata!




Isang araw, may dalawang batang nag-aaway...


Yanna: Akala mo naman kung sino ka diyan, ang yabang-yabang mo!


Duran: Ay! Hindi po kami mayaman!


Yanna: Bakit may sinasabi ba akong mayaman ka?! Kabobo, eh!


Duran: Walang taong bobo, tanga lang! Katanga mo talaga!


Yanna: Bakit mo ako minumura? Bakit pinapalamon mo ba ako???


Duran: Bakit sinasabi ko ba?! Porke mayaman lang kayo!


Yanna: Porke may computer lang mayaman na ba yun?! Kayo, ah!

Porke dumating lang yung ate mo galing Japan!

Duran: O, talaga, mayaman kami!


Yanna: Wuh! Mayabang talaga yung malaking tikbalang, eh!


Duran: Tang*na mo!


Yanna: Weh! Nagmumura! Puputulin ni Lord yung dila mo, lagot ka!!!


Duran: (napikon, binato si Yanna)


Yanna: (umiyak, patulo-tulo pa ang sipon) Akala mo! Pag nabagok

yung ulo ko may pampadoktor ka ba??? Kala mo
kamahal-mahal magpaospital!

Duran: Mayaman kaya kami!


Yanna: Uhm, mayabang! Isusumbong kita sa Papa ko!


Duran: Di magsumbong ka! Gusto mo samahan pa kita, eh! Hawakan

ko pa yung tenga ng Tatay mong supot!

Yanna: Wuh, mayabang! Kala mo, isusumbon kita sa Papa ko,

babarilin ka niya!

Duran: Eh, anu ngayon??! Pabaril ko pa sa kanya si Rizal!


Yanna: Weh!!! Pati patay dinadamay n'ya, eh! Mamaya multuhin ka nun!



(dumating ang isang batang iyakin at sumbungero...)


Duran: Uy, andyan na yung batang sumbungero, o!


Yanna: Bakit, ah???


Duran: Kahapon, naglalaro kami ng touch ball, natamaan lang umiyak na!

Nagsumbong sa Tatay n'ya, kinuha tuloy yung bola!

Yanna: Sumbungero talaga yan, ay!


Duran: Kaya nga! 'Wag nating bati!


Yanna: Oo! Tara na nga, para walang kalaro yung batang sumbungero!


(naiwan ang batang sumbungero na extra lang sa kwento

at nagbati na ang dalawang batang nag-aaway...)

Sunday, February 8, 2009

Stages Of Life



Ang baby na umiiyak, pinapadodo


Ang batang malikot, pinipingot


Ang batang makulet, pinapalo sa puwet


Ang batang tamad mag-aral, pinipilit mag-aral


Ang batang tumatanda, bata pa rin sa paningin ng mga matatanda


Ang teenager, alam na rin ang 'jerjer'


Ang teenager na may cellphone, lumalandi na


Ang dalagitang may syota, lumalaki nag dyoga


Ang binatilyong malambot, pakembot-kembot


Ang dalaga't binatang meron nang trabaho,

meron na ring pambili ng pabango

Ang dalaga't binatang wala pa ring trabaho, patambay-tambay

mukhang mabaho

Ang dalaga't binata, malapit nang mag-asawa


Ang may asawa, meron nang pamilya


Ang magulang, tuluyan nang magsisilang


Ang isinilang na baby, lalaki hanggang lumandi


Ang lumandi, mag-aasawa't magkakaanak


Kaya ang magulang, lolo't lola na


Ang lolo't lola, meron nang rayuma


Ang lolo't lola, mag-iisip-bata...


( back to first cycle til fade... )

Eh Kasi Cute!




Ma'am: O, Jasper, late ka na naman!


Jas: Ma'am, kasalanan po kasi nung cute na girl

na sumusunod sa akin.

Ma'am: Eh, anong kinalaman nya?!?


Jas: Kabagal nya po kasing maglakad!