kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Wednesday, February 18, 2009

Eh Kasi Bata!




Isang araw, may dalawang batang nag-aaway...


Yanna: Akala mo naman kung sino ka diyan, ang yabang-yabang mo!


Duran: Ay! Hindi po kami mayaman!


Yanna: Bakit may sinasabi ba akong mayaman ka?! Kabobo, eh!


Duran: Walang taong bobo, tanga lang! Katanga mo talaga!


Yanna: Bakit mo ako minumura? Bakit pinapalamon mo ba ako???


Duran: Bakit sinasabi ko ba?! Porke mayaman lang kayo!


Yanna: Porke may computer lang mayaman na ba yun?! Kayo, ah!

Porke dumating lang yung ate mo galing Japan!

Duran: O, talaga, mayaman kami!


Yanna: Wuh! Mayabang talaga yung malaking tikbalang, eh!


Duran: Tang*na mo!


Yanna: Weh! Nagmumura! Puputulin ni Lord yung dila mo, lagot ka!!!


Duran: (napikon, binato si Yanna)


Yanna: (umiyak, patulo-tulo pa ang sipon) Akala mo! Pag nabagok

yung ulo ko may pampadoktor ka ba??? Kala mo
kamahal-mahal magpaospital!

Duran: Mayaman kaya kami!


Yanna: Uhm, mayabang! Isusumbong kita sa Papa ko!


Duran: Di magsumbong ka! Gusto mo samahan pa kita, eh! Hawakan

ko pa yung tenga ng Tatay mong supot!

Yanna: Wuh, mayabang! Kala mo, isusumbon kita sa Papa ko,

babarilin ka niya!

Duran: Eh, anu ngayon??! Pabaril ko pa sa kanya si Rizal!


Yanna: Weh!!! Pati patay dinadamay n'ya, eh! Mamaya multuhin ka nun!



(dumating ang isang batang iyakin at sumbungero...)


Duran: Uy, andyan na yung batang sumbungero, o!


Yanna: Bakit, ah???


Duran: Kahapon, naglalaro kami ng touch ball, natamaan lang umiyak na!

Nagsumbong sa Tatay n'ya, kinuha tuloy yung bola!

Yanna: Sumbungero talaga yan, ay!


Duran: Kaya nga! 'Wag nating bati!


Yanna: Oo! Tara na nga, para walang kalaro yung batang sumbungero!


(naiwan ang batang sumbungero na extra lang sa kwento

at nagbati na ang dalawang batang nag-aaway...)

8 comments:

ettah said...

at last! nkakabitin ung chakol mo a!

hillsky said...

teka, cno b yang dalawang batang yan???

nikoy23 said...

pagpatuloy mo yan kopre!!!
napakagandang ehemplo sa kabataan! wag mong ikahiya ang kacute-an naten!

mhiel_pogi said...

teka kilala ko ba yang dalawang batang yan??!? kapatid ata yung isa!

jia_corpuz said...

kelan nga pala ang self-pub book mo?

Anonymous said...

cute!

Anonymous said...

hahaha! super childhood moment! ikaw yung batang sumbungero ano!

Anonymous said...

hahaha!!super like nung ending!!may twist!keep it up cutiepie!!!
:))
-andrea