Isang araw, may dalawang batang nag-aaway...
Yanna: Akala mo naman kung sino ka diyan, ang yabang-yabang mo!
Duran: Ay! Hindi po kami mayaman!
Yanna: Bakit may sinasabi ba akong mayaman ka?! Kabobo, eh!
Duran: Walang taong bobo, tanga lang! Katanga mo talaga!
Yanna: Bakit mo ako minumura? Bakit pinapalamon mo ba ako???
Duran: Bakit sinasabi ko ba?! Porke mayaman lang kayo!
Yanna: Porke may computer lang mayaman na ba yun?! Kayo, ah!
Porke dumating lang yung ate mo galing Japan!
Duran: O, talaga, mayaman kami!
Yanna: Wuh! Mayabang talaga yung malaking tikbalang, eh!
Duran: Tang*na mo!
Yanna: Weh! Nagmumura! Puputulin ni Lord yung dila mo, lagot ka!!!
Duran: (napikon, binato si Yanna)
Yanna: (umiyak, patulo-tulo pa ang sipon) Akala mo! Pag nabagok
yung ulo ko may pampadoktor ka ba??? Kala mo
kamahal-mahal magpaospital!
Duran: Mayaman kaya kami!
Yanna: Uhm, mayabang! Isusumbong kita sa Papa ko!
Duran: Di magsumbong ka! Gusto mo samahan pa kita, eh! Hawakan
ko pa yung tenga ng Tatay mong supot!
Yanna: Wuh, mayabang! Kala mo, isusumbon kita sa Papa ko,
babarilin ka niya!
Duran: Eh, anu ngayon??! Pabaril ko pa sa kanya si Rizal!
Yanna: Weh!!! Pati patay dinadamay n'ya, eh! Mamaya multuhin ka nun!
(dumating ang isang batang iyakin at sumbungero...)
Duran: Uy, andyan na yung batang sumbungero, o!
Yanna: Bakit, ah???
Duran: Kahapon, naglalaro kami ng touch ball, natamaan lang umiyak na!
Nagsumbong sa Tatay n'ya, kinuha tuloy yung bola!
Yanna: Sumbungero talaga yan, ay!
Duran: Kaya nga! 'Wag nating bati!
Yanna: Oo! Tara na nga, para walang kalaro yung batang sumbungero!
(naiwan ang batang sumbungero na extra lang sa kwento
at nagbati na ang dalawang batang nag-aaway...)