kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Tuesday, April 12, 2011

what is 'pethics'?

JAS: hindi ko alam...
- ???

JAS: bakit kasi kelangan mo pang tanungin?!
- di 'wag! ikaw tong nag-create sa akin para tanungin kung anong ibig sabihin ng salitang pethics, taz susungitan mo lang ako! papansin!

JAS: murit! kasungit mo naman, drama lang iyon! para naman kunwari hindi ko agad ide-define ang salitang 'pethics'. hindi ka naman pala marunong maki-ride.
- ah, ganun ba? sige, ulitin natin!

JAS: wag na! hindi na kita kailangan, tsupi!
- noooooooooo..... ( echo til fade)
So ano nga ba ang salitang 'pethics'? Isa ba itong ideya na may kinalaman din sa salitang ethics? So bakit may 'P'?

Ang salitang 'pethics' ay isang balbal na salita na ang ibig sabihin ay paeasy-easy, walang problema o hindi umaako ng responsibilidad. Kadalasang ginagawa niya ay 'wala'. Karaniwan mo siyang makikitang nakahilata, lamon lang ng lamon, nakababad sa TV, may headphone na nakapasak sa magkabilang tenga at minsan ay nake-carried away pa sa kanta. Pwede din siya yung kaklase nating mahilig magpagawa sa atin ng mga assignments at projects na napipilitan tayong gawin dahil may lihim tayong pagtingin sa kanya. Masasabi din natin na ang pinakamalaki at pinakaperpektong modelo ng salitang 'pethics' ay ang super busy 'kuno' nating mga pulitiko.

Andami-daming tao ang nakapila sa labas ng opisina ni Mayor. Parang super busy niya 'ata. Buong araw naghihintay yung mga kababayan niyang nagluklok sa kanya sa kanyang puwesto yun pala natutulog lang ng mga oras na iyon dahil sa hangover mula sa isang birthday party ng kasama niya sa rotary. Eh si Congressman nga pumapasok lang sa Kongreso para magchill sa airconditioned niyang kwarto at tumagay ng malamig na malamig na mineral water.


Una kong nakilala ang salitang ito noong high school pa lang ako at madalas akong sumbatan ng aking mga magulang na ang tamad-tamad ko daw at papetiks-petiks lang daw ako sa buhay. At medyo totoo naman pero hindi naman masyado. Slight lang.

So bakit nga ba may 'P' ang salitang pethics at may kinalaman nga ba ito sa salitang 'ethics'? Simple lang, dahil ang salitang pethics ay tumutukoy sa madalas iasal ng mga p-ulpol, p-apogi, p-apampam, p-aepal at p-asikat na 'P'-ultiko. 

Yun lang.