kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Monday, April 25, 2011

RED HOT BILL


Bakit nga ba pilit nilang pinapasa ang Red Hot Bill??? Ganun ba talaga kakakati ang mga Pilipino at kinakailangang magkaroon ng ganito kapapansing pauso?! Mga tulukan!..,


Sa paanong paraan makatutulong ang pausong ito sa pag-unlad ng bayan dahil sa pagpigil sa pagdami ng populasyon??? Yayaman ba talaga sila? Kinakailangan bang isantabi ang kalooban ng Diyos makahanap lang ng masisisi sa paghihirap ng kanilang buhay???

May babae ba si Mang Ben at nabuntis nang nabuntis ang asawa niya? (selosa kaya ingkalbit tu la ingkalbit)

Masyado ba talagang patipo si Chona at sa wakas ay may pumatol na sa kanya???

Bakit andaming anak ni Aling Tekla, eh wala naman siyang asawa???

Bakit may pambili ng marijuana si Benjo samantalang hindi nga niya mapag-aral ang mga anak niya? Eh si Aling Precy nga nagma-maxi peel pa!

Bakit hindi nakapagtapos ng pag-aaral si Darvin, eh may pang-aral naman siya???

Bakit uhugin ang magkakapatid na sila May-may, Potpot, Cheche at Bekbek???

Bakit feeling magaganda ang magbabarkadang sina Eunice May, Marita Jane at Juviel Rose???

At bakit kamukha ni Noynoy si Kerokeropi???


Kung ang lahat ng tanong na iyan ay kayang sagutin at solusyunan ng pauso nyong RH Bill, daberibesting!

Pero kung ang pagmumudmod ng libreng condom na para lang nagbibigay ng libreng kendi sa mga pampublikong lugar kung saan may mga bata at mga taong may konserbatibong pananaw sa buhay ay isang hakbang ng RH Bill, ibili nyo na nga lang yan ng kendi...

17 years old pa lang ang buladas na si Ritchie pero may condom na siyang laging baon. May pambili naman ng contraceptives sina Tito Rick at Tita Nez pero siyam ang anak nila.

Masyado na ba talagang mapaghanap ang puson ng mga Pilipino at kahit nung Mahal na Araw ay may mga namumudmod ng condom?

Ibili nyo ng pagkain at gamot yung mga pinambili nyo ng condom at ibigay sa mahihirap, mas nakatulong pa kayo.

Bakit ba ang dami ng tao ang sinisisi ng gobyerno at mga paepal na tao samantalang napakadaming tao ang nasa gobyerno ang dahilan ng paghihirap ng mga Pilipino???

WAG KANG MANGURAKOT AT MAGNAKAW.

MAGBAHAGI KA NG BIYAYA SA KAPWA.

MAGING RESPONSABLE KA.

PALAGUHIN MO ANG SARILI MO.

TUMULONG KA KAHIT KONTI SA PAG-UNLAD NG BANSA.

MAGING PRODUKTIBO KANG PILIPINO.


Mga simpleng paraan. Hindi nakakabastos. Hindi lang basta pauso. Walang masyadong malaking gastos. At hindi pa makukurakot.

Hindi masama ang jerjer o ang palakpak. Pwede kang bumili ng condom o contraceptives. Pero hindi mo na kailangang ipagsigawan pa ito.

Kuha mo???

Tuesday, April 12, 2011

what is 'pethics'?

JAS: hindi ko alam...
- ???

JAS: bakit kasi kelangan mo pang tanungin?!
- di 'wag! ikaw tong nag-create sa akin para tanungin kung anong ibig sabihin ng salitang pethics, taz susungitan mo lang ako! papansin!

JAS: murit! kasungit mo naman, drama lang iyon! para naman kunwari hindi ko agad ide-define ang salitang 'pethics'. hindi ka naman pala marunong maki-ride.
- ah, ganun ba? sige, ulitin natin!

JAS: wag na! hindi na kita kailangan, tsupi!
- noooooooooo..... ( echo til fade)
So ano nga ba ang salitang 'pethics'? Isa ba itong ideya na may kinalaman din sa salitang ethics? So bakit may 'P'?

Ang salitang 'pethics' ay isang balbal na salita na ang ibig sabihin ay paeasy-easy, walang problema o hindi umaako ng responsibilidad. Kadalasang ginagawa niya ay 'wala'. Karaniwan mo siyang makikitang nakahilata, lamon lang ng lamon, nakababad sa TV, may headphone na nakapasak sa magkabilang tenga at minsan ay nake-carried away pa sa kanta. Pwede din siya yung kaklase nating mahilig magpagawa sa atin ng mga assignments at projects na napipilitan tayong gawin dahil may lihim tayong pagtingin sa kanya. Masasabi din natin na ang pinakamalaki at pinakaperpektong modelo ng salitang 'pethics' ay ang super busy 'kuno' nating mga pulitiko.

Andami-daming tao ang nakapila sa labas ng opisina ni Mayor. Parang super busy niya 'ata. Buong araw naghihintay yung mga kababayan niyang nagluklok sa kanya sa kanyang puwesto yun pala natutulog lang ng mga oras na iyon dahil sa hangover mula sa isang birthday party ng kasama niya sa rotary. Eh si Congressman nga pumapasok lang sa Kongreso para magchill sa airconditioned niyang kwarto at tumagay ng malamig na malamig na mineral water.


Una kong nakilala ang salitang ito noong high school pa lang ako at madalas akong sumbatan ng aking mga magulang na ang tamad-tamad ko daw at papetiks-petiks lang daw ako sa buhay. At medyo totoo naman pero hindi naman masyado. Slight lang.

So bakit nga ba may 'P' ang salitang pethics at may kinalaman nga ba ito sa salitang 'ethics'? Simple lang, dahil ang salitang pethics ay tumutukoy sa madalas iasal ng mga p-ulpol, p-apogi, p-apampam, p-aepal at p-asikat na 'P'-ultiko. 

Yun lang.