kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, November 15, 2013

Little Things, Big Things



I just read the news about a Japanese boy who donated his piggy bank for the victims of typhoon Yolanda. Sobrang nakakaproud lang siguro sa part ng mga magulang ng batang ito.

Isang scenario ang biglang nabuo sa isipan ko. Ano kaya kung apo ni *** (insert name of corrupt politician) ang nagdonate ng piggy bank niya sa mga nasalanta ng bagyo. Magiging proud din kaya sila para sa apo nila? O baka finally ay tablan na sila ng kahihiyan sa buhay. Biruin mo yun, kakapiranggot na salapi kung iisipin pero sapat na para ipamukha sa kanila ang isang bagay na patuloy na umuukit sa pagiging magnanakaw nila.

Wag mong idonate yan bata. Nakaw yan. Tanong mo pa sa lolo mong pogi.

Monday, April 1, 2013

Her Mickey Mouse

Had a dream last night. Bumalik ka raw from Disneyland. At kasama mo si Mickey Mouse. Sobrang saya mo raw. Kasi nga kasama mo si Mickey Mouse. 

Sabi ko pa nga daw sa sarili ko, "Parang tanga 'tong si ________. Si Mickey Mouse lang tuwang-tuwa na. Eh mascot lang naman yan. Nagtataka tuloy ako kung paano ko nagustuhan yan." 

Nilapitan mo daw ako. At napansin kong lalo kang gumanda. Kumikislap pa rin ang iyong mga mata. At mas matamis ngayon ang iyong mga ngiti. 

Saka ko nasabi sa sarili ko, "Ah, oo nga pala. Kasi nga pala maganda ka." 

Tapos nun ay ipinakilala mo sa akin ang kasama mo. 

"Jas, kamusta na? Oo nga pala, si Mickey Mouse, boyfriend ko." 

Nagulat ako. Pucha. Pati si Mickey Mouse pinatulan mo. Sinayang mo ganda mo. May saltik ka pa rin talaga sa ulo. 

Pero hindi pala ganun. Kasi naman itong si Mickey Mouse biglang tinanggal ang suot na mascot. 

At tumambad lang naman sa akin ang isang lalaking gago. Ay, gwapo pala. 

Natigilan ako. Saka ko napagtanto. Oo nga pala, ako na rin nagsabi, mascot nga lang pala. 

Hindi nasayang ang iyon ganda. Bagay na bagay kayong dalawa. Himalang nawala na ang saltik mo sa ulo. Di tulad noon kaya nga pinatulan mo ako. 

Ngumiti lang ako. Saka ko sinabing masaya ako para sa inyo. Kahit di naman totoo. Tulad ng panaginip kong ito...