kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, June 25, 2010

Ang Kwento Ng Malaking Peklat Sa Aking Likod






Noong bata pa ako, kasama ang kapatid kong babae, mga kalarong pinsan at kapit-bahay namin, nahilig kami sa pag-i-stroll gamit ang isang bike na may side car na pag-aari nung kalarong kapit-bahay namin. Anim na babae at pitong lalake kami kaya 'wag mong lokohin ang sarili mo, di kami kasya dun, kaya yung mga babae lang ang nakasakay at ang mga lalake naman ang nagtutulak sa likuran ng bike. Isa ako sa mga nagtutulak pero madalas sumasakay ako sa gilid, yung bakal na nasa ibabaw ng gulong. Araw-araw ganun ang buhay naming magbabarkada. Masayang-masaya kahit naiinitan sa ilalim ng araw. Sa mga simpleng bagay lang, matatawaq kam na. Puno ng kasiyahan.

Kaya nga yung mga nakakakilala sa akin nung bata pa ako, espeially nung elementary ako, nagugulat kapag nakita na ako ngayon. Dati kasi maitim ako, sunog sa init ng araw pero ngayon, maputing-maputi na. Madalas, di nila ko nakikiklala. Minsan nga, tumatakbo sa isip ko na baka iniisip nila "nagba-biolink " ako.
Araw-araw din kaming 'nagnanakaw' ng malalaking singkamas sa tapat ng sementeryo na nakakatakot tuwing tanghaling tapat at gabi. Eh, madalas tanghaling tapat kami kumukuha ng singkamas, kaya pag nakakuha na, mabilis naming itutulak at paaandarin yung bike. Minsan pa nga naiwan yung maliit na kapatid ng kalaro namin na may-ari nung bike. Umiyak ito ng umiyak. At kinagabihan, nilagnat yung bata. GROUNDED TULOY YUNG BIKE.

Pero kinaumagahan, dahil mga batang pasaway, tinakas namin yung bike. At kung iisispin natin, sadyang napakasarap talagang gawin ang isang bagay na ipinagbabawal.

Nang hapong iyon, kumuha ulit kami ng singkamas, at isang pangyayari ang di namin inaasahan. Nahuli kami nung may-ari ng pananim. Galit na galit ito kaya dali-dali kaming nagtulak ng bike, at sa sobrsang taranta at pagmamadali, isang malaking truck pala ang papasalubong sa amin. Parang lahat kami naging bato habang palapit nang palapit yung malaking truck. At animo'y walanang sa aming mga batang utak bagkus ay kasing puti na lang ng loob ng singkamas.

Pinitpit lang ng truck ang bisikletang nagbibigay-saya sa amin araw-araw. Tumurit lahat ng nasa likuran, isa na ako dun. Sumadsad ang likod ko sa magaspang na aspaltadong daan at nagkaroon ng pinsala sa aking paa kaya sa ngayon ay madalas kong inilalalkad yon sa tako na muntik na akong mawalan ng paa. Yung pinsan at kapit-bahay naming lalaki, basag yung mga bungo at nagsikalat pa ang pira-pirasong utak ng pagkabata at kamusmusan. Yung dalawa pa, lasog-lasog yung mga buto. At maswerte yung dalawa pa dahil tumilapon lang sila sa tabi ng kalsada. Yung dalawang babaewng nakasakay, napitpit sa malalaking gulong ng truck. Lasog-lasog din yung katawan ng apat pang babae, kasama na dun yung kapatid ko.

Sa anim na babae, dalawa yung nabuhay. At ang masakit, hindi dun kasama yung kapatid ko. Yung isang pinsan kong babae, buhay pero nabulag. Yung isa, nabaldado na sa wheelchair.

Sa pito namang lalake, apat ang nabuhay. At ang masakit, isa ako dun. Isang malaking peklat ang alala nun. Um,iyak ako nang umiyak nang magising ako. Hindi lubos maisip na wala na ang anim na kalaro at isang pinakamamahal na kapatid. Parang isa lamang madramang trahedya na pinatotohanan lang ng masaklkap na pangyayari.

Sa bawat araw na lumilipas, pabigat nag pabigat ang aking nararamdaman. Magigising ka na lang sa umaga na wala ka na palang kalaro. Paulit-ulit naninisi ang isang sigaw na di na dapat namin itinakas pa ang bisikleta siya ring tatapos ng maliligayang-araw namin.

Mas masakit pa sa bawat subok ng paglakad ng mga paang muntik nang mawala. Muntik na akong nawalan ng gana sa buhay. PERO NAISIP KO, YUNG MGA TAONG YON NA ANWALA SA BUHAY KO, AY SIGURADONG MASAYA NA NABUHAY PA AKO...

Moral Lesson:
Walang Moral Lesson. Gawa-gawa ko lang ang kwento, naniwala ka naman...

4 comments:

Unknown said...

wow! kaya naman nagtaka ako kung meron ka nga bang peklat sa likod>>>

Unknown said...

di kumita ang kwentong ito, bro...

sandrix said...

i was actually moved! akala ko totoo!

Anonymous said...

napaka-interesante, thanks