kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, June 25, 2010

Turo-Turo





"Uy! Pusang-gala, o! Nasagasaan yung bata, o!"

"Ay, oo nga! Kawawa naman!"

"Katanga naman ng mga magulang niyan, hinahayaan lang yung bata sa kalsada!"

"Sabihin mo, katanga-tanga nung nakasagasa, hindi tinitignan kun may tatawid!"

"Eh anu kasing ginagawa nung mga traffic aides sa kalsada?! Pampaingay lang naman yang mga yan, sabog na nga yubg beses, sabog pa yung mga pinagsasabi. Wala rin namang maitutulong sa ikaaayos ng kalsada!"

"Eh, paano naman yung gobyerno nating mukhang-pera??! Nkaupo na nga sa itaas, gusto pa, eh pera ang ipampupunas sa mga puwet nila! Pampagawa nga lang ng kalsada umaabot pa sa bilyon! Asan ngayon ang kalsadang kung titignan ngayon, eh latak lang ng malaking pondo??!"

"Aba, ewan ko! Hinahanap mo sa akin di ko naman tinago! Tsk. Tsk. Tsk. Bakit naman kinuha na lang basta-basta ni Lord yung bata? Eh, mas marami naman diyan yung dapat mamatay! Minsan tuloy, hindi ko maiwasang ihambing ang paghusga Niya sa paghusga sa korte! Kung sino pa yung mag inosente, sila pa yung parang mga nagkasala. At kung sino yung mga may kasalanan, naaabswelto at nagagawa pang mamuhay ng malaya. Kung maging masama na rin lang kaya ako? Baka sakaling pagpalain n'yarin ako!"

"Uy, tanga! Wag ka ngang maging sarcastic against kay Lord! Isa ka pa namang Romano Kristyano Katoliko, pati siya sisisihin mo sa pagkamatay ng bata!"

(natakot) "Ay, ganun ba??! Naku, sorry po Lord! Katanga-tanga kasi nung bata, eh! Galing-galingan tumawid!"

Mga pakialamero at tsimosong Pilipino,..
Mukhang perang gobyerno,..
Traffic aides na gobyerno ng kalsada,..
Mga mayayabang na driver,..
At mga napahamak dahil sa sariling katangahan,..
Lahat sila pare-pareho, mga salot sa lipunan...

5 comments:

master said...

minsan na rin akong nahagip ng pampasaherong jeep sa ermita nong college ako. ako pa ang nasisi ng mamang driver dahil hindi daw ako tumutingin sa nilalakaran ko. tsk. pesteng driver

jas said...

haha! ganun?! di bale, mkhang malapit nang malutas ang problema sa traffic, pinauso na nga ang wangwang abn diba? sana hindi lang dun natatapos...

hillsky said...

close talaga kayo o nang-uuto ka lang ng magfa-follow sayo?...

Unknown said...

hahahah! hillsky was right. nanguuto ng makakapag-follow sa blog ang loko!:>

Anonymous said...

bob ong???