"Masasabi mo bang bagong tao na ang taong nagbagong-buhay samantalang siya pa rin naman iyon sa mga aspetong hitsura, pangalan at dahil sinabi niya lang?.."
I.D.U.T.S.
'Yan ang kadalasang sagot ng nakararami sa mga tanong na hindi mo masabing 'yes' o 'no'.
It depends upon the situation...
Kung gusto mo namang mas safe, "pwede both?"
At kung medyo tinatamad kang mag-isip, isang simpleng EWAN...
Namatay si Yes. Nabuhay si No sa milagrong paraan. At nabuhay din si Iduts mula sa kritikal na kondisyon. May mga naghinagpis at naiwan. At meron namang lubos na nagpasalamat at nagdiwang.
Lumipas ang ilang taon...
Nagbagong-buhay ang mga taong naiwan ni Yes dahil sa kabutihan nito. Nag-iwan ito ng aral at mabuting ehemplo.
Si No na dating pasaway ay natutong pahalagahan ang kanyang buhay. Sa madaling salita, siya ay nagbabgong-buhay.
Pero si Iduts na isa ding sinuwerte sa trahedya, nanatili sa dati niyang buhay. Hindi sobrang nagpakabuti at hindi naman nagpakasama.
Ang tanong ay nasa itaas. At tatlo ang pagpipilian mo, 'Yes', 'No', at 'Iduts'...
7 comments:
wow! lumalalim ang posting! lume-level up!!!
walang saysay maglevel-up pantasya ay naubos na...
lumelevel up sa pagiging deep thinker ah!..
like this one. a bit intelligent...
syempre magaling ung may akda e!
mejo impressed dahil ang may bagong buhay ay mananatiling luma ang kaluluwa,. meaning, antique!
i like the depth of this one, buddie. but i still have the same soul, the same life.
-justin
Post a Comment