kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Monday, May 2, 2011

Sudden Lift


Kasalukuyan akong nasa bahay ng bestfriend kong si Tepe. Medyo naglayas ako sa bahay. Medyo lang kasi padabog pa akong nagpaalam sa kanila dahil nagtatampururot ako ng konte.

Inaliw ako ni Tepe sa pamamagitan ng pagluto ng paborito kong fishball at kikiam na may super masarap na sauce at suka. Yum-yum.


Saka niya isinaksak ang isang dvd film. At ang pasaway na ito, pinanood na naman ang walang kamatayan niyang favorite na romantic drama film, ang If Only na nung magbreak sila ng bf niya, pinagdasal pa niyang yung bf niya na lang sana yung bidang lalaki para tulad nito'y namatay din.


Tepe: Tara, iyak tayo.

Jazz: Huh?!
Tepe: Sige na! Katagal ko nang walang iniiyakan, eh!
Jazz: Eh, di balikan mo si Gino. (pangalan ng ex niyang babaero)
Tepe: Pwede ba, wag mo nang pinapaalala sa akin ytung ungas na iyon!
Jazz: Gusto mong umiyak, diba?
Tepe: 'Wag na nga! Kaen na lang tayo!

At kumain na nga kami nang kumain. Natapos ang If Only at hindi umiyak si Tepe. Kung tutuusin nga, hindi na niya dapat pa talagang iniiyakan ang movie na ito dahil paulit-ulit na niya itong napanood. OA lang talaga ang babaeng ito.


Ilang sandali pa, naramdaman ko na lang na kinikiliti na niya ako. Ganito talaga siyang magpatawa. Lagi kasing sablay ang mga jokes niya kaya dinadaan na lang niya sa pangingiliti.


Tumawa na lang ako nang tumawa.Baka malugi pa kasi ang babaeng ito at palayasin pa ako sa bahay nila.


Pero ilang sandali lang, tumigil na siya sa pangingiliti sa akin. At sa puntong ito, pinapaalis na niya ako.


Tepe: O, tumawa ka na. Uwi na!


Napakunot-noo ako.


Tepe: Sige na. Wag ka nang magtampo.


Imbes na sumagot ako ay kiniliti ko na lang siya. Pero sandali lang iyon dahil tumayo na din agad ako at kumuha ng malamig na tubig sa kusina nila. At napasimangot pa siya dahil nabitin sa pangingiliti ko sa kanya.


Nadatnan ko sa kusina si Tita Lyn na kasalukuyang naghuhugas ng pinagkainan namin.


Tita: O, tapos na yung pinapanood niyo?

Jazz: Opo. Memorize na memorize na po!
Tita: (tumawa siya) Pangalawang beses na niyang napanood yan ngayong araw na to.
Yung una, bago ka pa dumating.
Jazz: Huh???!
Tita: Nag-e-emote yan kanina bago ka pa dumating. Nakita niya si Gino, may bago ng girlfriend.


Natigilan ako. So pareho lang pala kaming doomsday ang araw ngayon?


Binalikan ko siya sa sala. Per nakatulog na siya. Patunay na dito ang malakas niyang paghilik.


Sayang. Kikilitiin ko pa naman sana siya :(


Ilang sandali lang, umuwi na din ako sa amin. Mabigat din naman talaga ang pagtatampururot ko. Pero nagpromise akong, mamayang nagising siya, kikilitiin ko siya ng todong-todo...

9 comments:

sweet cherry said...

cute story.. namiss ko tuloy yung bff ko...
;)

trixsha said...

eto pa! i love your blog na talaga! pls update your blog.

:)

Anonymous said...

i am touched. i love you mahfriend!!! mwah! --JOANE

Anonymous said...

sama ako sa kilitian nyo. nakakamiss ang mga childhood friends. super missing you my friend.

-janine

Anonymous said...

i super love the story. not romantic but i got kilig <3

Anonymous said...

ang cute ng story.like it much.

Anonymous said...

I was moved by the story. Despite the strong connections we have built with our friends, it can be disconnected anytime if they choose to. Sad. Sad. Sad.

Anonymous said...

thats what real friendship is. you can laugh at anything when youre together. i hope youre friendship stays forever. cause sometimes we lose it. and thats just so so sad :(

Anonymous said...

Touching. It was like a moment of nostalgia when you discovered that she is sad din pala. But funny pa rin. Lugi ang parati mga jokes nya kaya dinadaan na lang sa kiliti para tumawa ka. Very much relative :)