kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...
About Me
Friday, November 15, 2013
Little Things, Big Things
I just read the news about a Japanese boy who donated his piggy bank for the victims of typhoon Yolanda. Sobrang nakakaproud lang siguro sa part ng mga magulang ng batang ito.
Isang scenario ang biglang nabuo sa isipan ko. Ano kaya kung apo ni *** (insert name of corrupt politician) ang nagdonate ng piggy bank niya sa mga nasalanta ng bagyo. Magiging proud din kaya sila para sa apo nila? O baka finally ay tablan na sila ng kahihiyan sa buhay. Biruin mo yun, kakapiranggot na salapi kung iisipin pero sapat na para ipamukha sa kanila ang isang bagay na patuloy na umuukit sa pagiging magnanakaw nila.
Wag mong idonate yan bata. Nakaw yan. Tanong mo pa sa lolo mong pogi.
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
1 comment:
ganun eh. marami sa mga pinuno ay mga walang pagibig sa bayan. kung meron di saba sila magnanakaw sa halip magaabono o magbibigay pa nga
Post a Comment