kung tinatamad ka sa buhay, tumunganga ka na lang. magpapetiks-petiks hanggang mapanis ang iyong laway...

Friday, December 19, 2008

What is Love?




May apat na batang nagtatalo kung ano nga ba talaga ang love. Feeling ang mga batang ito kahit hindi pa nai-inlove, noh?




Husen: Wui, emong, Inggo, JaS, what is love?




Emong: Kadali-dali lang! Eh, di love is blind!




Inggo: Ay, hindi po! Love is sweet but cannot eat!




Jas: Ako? Para sa'kin kasi, "love is bisyo.."




Husen: Mwahaha! Luma na yang mga yan! eto ang uso,


"Love is like a butterfly,


it flies like a dragonfly,


and when it reaches the sky,


nalulula rin kaya nagka-cry!!!"


Emong: O, eh ano naman ngayon?!?




Inggo: Tanga, pasikat lang yan! Pakitaan mo nga ng mas maganda!




Emong: Sige ba! "Love is like a vampire!"




Husen: Wow, mukhang malalim yan, ah!




Jas: Oo nga! Nuh ibig sabihin nun?!?




Emong: It sucks!

Wednesday, December 17, 2008

Last Dance ( A Love Story Part 2 )

Akala ni Jas, tapos na love story nila (actually, love story nya lang naman!). 3rd year sya nun nang bumalik si 'bisyo' sa school na pinag-aaralan nya. At gaya nang una nyang nasabi nang makita nya uli ito, "uhm, okey lang!" (weh?!? eh, ano naman ang gusto kong i-react ko?)





At nakakalungkot man, hindi na sila magkaklase. Pero tuwing flag ceremony, magkatabi ng line ang section nila at madalas din silang magkatapat (destiny ba ito?).






At ewan ba nya! Araw-araw kasi'y parang lagi nya itong napapansin. Naiisip nya tuloy, papampam lang kaya si 'bisyo' o nagiging 'asyumero' na naman siya?






Hanggang lumipas ang araw at JS Prom na! Akala ni Jas at akala ko rin maisasayaw nya si 'bisyo'. Pero hindi...






4th year, yehey!!! Classmates uli sila!






December, 2007, nalaman na 'bisyo' na may gusto si Jas sa kanya. Pero that time, may ka-MU na ata si 'bisyo'. It's too late : (






January, 2008, JS Prom ulit! Almost two months na lang, graduation na. At hindi nya alam kung magkikita pa sila. Kaya naman pagtugtog na 'Destiny', nasa dance floor na siya, at kasayaw ang babaeng naging bisyo para sa kanya.






Marami ring classmates nya ang natuwa nang makitang magkasataw sila lalung-lalo na si Biggie na tsismoso. Siya kasi ang nagkalat, eh! Pero di bale, kahit malaman naman ng lahat, bakit, liligawan nya ba si 'bisyo'? hindi, noh!!!






Kaya mabuti na rin ang nangyari sa kanila, at least, sa last dance nyang iyon, si 'bisyo' ang kasayaw nya : )

Monday, December 15, 2008

A Love Story




Isang araw, pumasok si Jas sa isang catholic school kung saan ang principal at monsignor ay 'magkamukha'. Pagpasok nya sa classroom ay nadatnan nya ang mga bagong kaklase at may isang nakatalikod na babae na kinukulit ng mga kaklase nilang lalake.





Napaisip tuloy si Jas at sinabi sa sariling, "siguro maganda itong kakalase naming ito..."




Sabay namang humarap ang babae at sandali siyang natulala dahil dito. Saka sinabing, "uhm, okey lang!" (wehehe! akala nyo na-love at first sight ako, noh?)




Actually, naninibago pa kasi sya nung mga araw na iyon at sa ilang mga araw pang nagdaan. Wala pa rin syang nagugustuhang babae kasi naman hindi lahat kagandahan.




Hanggang sa isang araw, nagising na lang siya at pag-upo sa kanyang armchair, na-realize nyang gusto na nya ang babaeng ito! At ito nga ay si 'bisyo'.




Sa tuwing parating na si 'bisyo', parang humihinto ang mundo nya. Ang nilipad nitong buhok, ang ngiti nitong napakatamis, at ang mga mata nitong kumikislap. (alam nyo ba, hindi ako sure kung ano talaga ang kulay ng mata nya. Para kasing black na naka-contact lense ng white. ewan ko ba, minsan kasi iniisip ko na baka katarata iyon!)




Late June 2004, una at huli nilang pag-uusap. Sa business center kung saan bumibili si Jas ng index card ay biglang napadaan doon si 'bisyo'.




"Ah, kailangan nga pala natin ng index card ngayon, noh?" sabi ni bisyo.




"U-uhh, o-oo, hehe!," kinakabahan namang tugon ni Jas. "Pero ano nga palang size? Alam mo ba?"




"Ang alam ko 1/8 ata," tugon ni bisyo.




Sabay singit si manang, "Sensya! Wala nang 1/8, 1/4 na lang ang meron! Kung gusto nyo gupitin ko na lang para maging 1/8 ???"


(aba! si manang napaka-resourceful talaga!)




Natapos ang taon at mula nang araw na iyon, hindi na sila nag-usap ni 'bisyo'. Naging first honor pa nga si bisyo nun!




Second year, wala na si 'bisyo' sa catholic school. Nabalitaan nya na lang na sa Manila na pala ito nag-aaral : (

Friday, December 12, 2008

Sponge Cola English Songs


Heto po ang dalawang awitin ng Sponge Cola na translated sa English. Ihope you could sing it well...

LOSING GRIP (Bitiw)
that's right, don't let each other fall
together we will search the hidden
luminous and..
we will sail with the waves of..
the aerial passage that will soarly
bring us to..
a very long, long dreaming
that cannot be stopped...
Chorus
please don't lose your grip by now
please don't lose your grip by now
you just have to hold me tightly
then we will fly high into heaven
II
but wait, is this what we can?
cause if not i'll just take you and
i'll make you stand
that's it, and so until now
still, still, still...
( Repeat Chorus )
Chorus 2
please don't lose your grip by now
you just have to close your eyes
you just have to hold me tightly
then we will fly high into heaven
Bridge
this is our voice
this is our noise
reaching the sky
and now here we are
and now here we are..

( Repeat Chorus 1 & 2 )



MUCH AMAZED (Tuliro)

so much, i keep on falling
anticipating for a time
cause with you i'm floating
darling, let me near as closer
please don't make it hard for me
to clear clouds in heaven

Chorus
what it feels like to be
whenever i see you darling
coming now?
much amazed
doesn't really know what to do
and there is no one else
that can stop this feeling
and there's no one else
that can change the way
my mind feels
for you
II
it seems can't no longer forget
every move and act of yours
till in my sleep
and in my dreams you'll gonna stay
so i will never be alone
to wake up in morning..
( Repeat Chorus )


The English translation of these songs were personally constructed by me. And if you'll find any errors from it or against your intellectual caprices, then you can have your own translation but
I DON'T CARE : )

Wednesday, December 3, 2008

Society of Emo

When I graduated in highschool, nag-iba na ako ng image since I am no longer in a catholic school who manipulated my lyfestyle for about 4 years. Ang una kong ginawa pagka-graduate ko, kinulayan ko ang buhok ko ng kulay red kung saan walang sinong taong hindi makakapansin nito. Pagkatapos nun nagbutas ako ng tenga at nagsuot ng hikaw ng mga 'emo'. (eto po yung bilog na ang common na kulay, eh black)

Then, hinayaan kong humaba ang buhok ko dahil kahit kailan sa buhay ko,eh hindi man lang lumagpas iyon sa tenga ko. Then, nagsimula na rin akong maglagay ng eyeliner sa mata pero hindi naman yung sobrang kapal o sobrang nipis. Sabi nila emo na daw ako. Wui, hindi po, ah! Kaya ako naglagay ng ganun, eh nagustuhan ko yung dark side ni Peter Parker sa Spider Man 3, sayang nga lang at namatay na dun si James Franco, hehe! Pero kailan lang nang mapanuod ko yung last movie nyang Pineapple Express.

At ang isa pang reason ay dahil gusto kong magmukhang 'vampire'. Nagustuhan ko kasi yung concept ng buhay ng isng vampire. At kapag nagpapaka-vampire ako, feeling ko ako sila Brad Pitt, Tom Cruise at Antonio Banderas. Wag po kayong maging exaggerrated sa pagre-react, joke lang po yun!!!

Mula nun akala nila isa na akong emo. Hindi naman talaga. Masayahin kaya akong tao. Meron bang emong masiyahin?!? Pero here is my next post para bigyan kayo ng kaalaman sa society ng mga emo. Kung ating iisipin, napakarami ng emo ngayon pero hindi natin alam kung saang class nabibilang ang bawat isa sa kanila. Kaya naman I am here to discuss it to you! And I hope you'll enjoy while reading this...


1.First Class Emo o Emong Vampire

Sila po ang klase ng emo na sobrang puti na kadalasan ay may blurdy paint ng eyeliner sa mata at mahilig masuot ng dark colors. Sila ang pinakamataas na antas ng mga emo. Kadalasan silang makikita sa internet cafes o di kaya'y may nakasukbit na headsets sa tenga nila. Marami rin silang affiliations sa buhay. At syempre, typical English speaker at ang buhay nilay tinatawag na 'GLAMOROUS'.

Sosyalin ba ang ganitong uri ng emo? Mind you, mahirap magpaka-trying hard!


2. Emong Mapagpanggap

Ang mga emong nagpapanggap ay yung mga taong pwedeng katulad din ng get-up sa mga emong vampire o iba pang uri pero kapag nasa bahay ay hindi naman talaga sila ganun pumorma. What im tryng to say is that nagpapaka-emo lang sila sa harap ng maraming tao pero deep inside , thay were just pretenders who can run as best actors or actresses in a pretending role.

At kung tutuusin, mas matino pa rin ang ibang class kesa dito. Kasi naman, ta least sila. emo talaga kahit ang papangit nila, diba?


3. Emong Jumbo

You might wonder kung ano bang hitsura ng emo na ito o nakakita na ba kayo ng ganitong uri ng emo. Sa provinces marahil ay madalang kayong makakita nito pero sa Metro Manila marami. Sila ang klase ng emo na mapapabvilang ka sa kanilang class kapag suot mo ang isang bagay na sumisimbolo sa class nila. Ito po ang Jumbo Shoes!

Siguro mapapaisip kayo kung ano itong jumbo shoes na ito. Ito po ay ang kahit anong sapatos na napakalaki at madalas makaagaw ng pansin sa tuwing naka-skinny jeans ang isang emo. Kadalasan pang ang partner ng jumbo shoes na ito ay ang 'scarf'. Usually kasi sa provinces naka-Chuck Taylor o di kaya'y naka-Jack Purcell.

So, kung makakita man ako ng isa sa inyong nakasuot ng jumbo shoes, kakantahan kita ng "emong jumbo kaya mo ba toh?!"


4. Emong Kulot

Nakakatawa ba ang term sa class na ito??? Usual type kasi ng buhok ng emo ay one-sided na pahaba ng pahaba. At syempre, straight yung hair nila. Since anyone can be an amo, syempre pwede ring sumali ang mga kulot. At maami sa kanila ang gusto ng one-sided straight hair, pero dahil kulot sila, ang laswa ng hitsura nila. Kaya yung iba pinaplantsa pa yung buhok.

Tsk. Tsk. Tsk. Pathetic class.


5. Emong Negro

Isa lang ang masasabi ko sa kanila, FUNNY! Isipin nyo na lang na kung naka-eyeliner man sila, hindi rin halata dahil kasing kulay nila yung eyeliner . At kung nasa dilim man sila, hindi emo ang matatawag mo sa kanila kundi isang lumulutang na damit sa dilim. At syempre diba, usual clothes na sinisuot ng mga emo, eh dark colors???


6. Emong Kabayo

Siguro naman nakakita na kayo ng ganitong uri ng emo? Sila po yung alam nyo na! Emo na mukhang kabayo. Minsan kasi, makakakita na lang kayo ng isang emo at sobra ang pagkadismaya nyo pag harap nya, mukha pala siyang kabayo. Pero dahil anyone can be an emo wala tayong karapatang husgahan sila sa pagiging emo nila kahit mukha pa silang kabayo, Kaya kung emong kulot o negro ka man, pasalamat ka na lang at hindi ka napabilang sa class na ito.


7. Emong Baboy

Syempre, kung may emong kabayo, meron ding emong baboy. Siguro naman nafi-figure out nyo na kung anong hitsura nila. Grabe, nagkahayupan na sa society ng mga emo!

As usual, ang mga emong baboy ay matataba. Yung tipong lahat ng semi-fit shirts ay nagiging extra large sa kanila. At kapag depressed na depressed sila, pagkain ang pinagtutuunan nila ng pansin. Nagpapaka-emotional sila sa paglamon.


8. Emong Dugyot

Since marami na rin ang mga dirty look na emo, yung iba hindi na naliligo ng normal. Yung tipong maghihilamos na lang at wiwisikan ang buhok tuwing iwe-welcome ang bawat araw.

Kaya tuloy madalas kapag nakakatabi natin sila, we smell something 'fishy'! Ang baho! Amoy durian sila!!!

Pero kung iisipin nyo, at least sila pwede pang magbago at maging malinis sa sarili nila. Pero ang emong kabayo, sorry to say pero habang buhay na silang mukhang kabayo.


9. Emong 'Awan ti Atik'

Alam nyo naman na siguro kung anong klaseng emo sila? Sila ang emong walang pera kaya naman medyo poor din sila sa pananamit. Kadalasan silang maihahambing sa mga Mortal Class dahil simple rin silang manamit. Pwede rin silang tawaging 'emong gala' dahil ang mga walang perang tulad nila ay mahilig lang talagang gumala.


10. Emong Madrama

Sila ang uri ng emo na may emotional problem. Yung tipong feeling nila sila na yung pinakapathetic na tao sa buong mundo. Konting asar mo lang ay iiyak na sila. At kung magkakamali naman at papagalitan, tatakbo't magkukulong sa kwarto saka magpapatugtog ng napakalakas.

At ang proof na emong madrama nga sila ay ang mga scars na mula sa blade dahil sa mga attempted suicides na ginawa nila.


11. Mortal Class

Bale sila na po yung pinakahuling class ng emo. Sila yung simple lang manamit,

maaaring one-sided lang buhok o hindi at maaaring naka-eyeliner o naka-eyeglasses ng may black na lining at makikilala mo pa ring emo sila kahit sa simpleng get up nila.

Kaya sila tinawag na mortal class ay dahil sila ang pinakanormal type ng emo at hindi sila nagpapanggap lang at hindi naman talaga sila ka-loyal sa pagiging emo. Pero magkaganun man, ito na siguro ang class na sumusunod sa superiority ng first class emo.




KUNG isa ka mang emo, marahil alam mo na kung saang class ka napapabilang. Walang masama sa pagiging emo. You can adapt its fashion or you can be a certified emo. At gaya ng paulit-ulit kong sinasabi, anyone can be an emo. Wag kang mahihiya na someday magche-change ka ng lifestyle mo. Dahil ang importante pa rin sa lahat, kilala mo pa rin ang sarili mo :)